BRENT'S POV
1 hour before the wedding
"Ano wala pa ba?" pangungulit ko kay Brix
"Tol!!! mag relax ka nga! Hindi ka tatakbuhan ni Ericka okay!!" sagot nya.
Kinakabahan kasi ako.
Sinabi nya kasi sakin kagabi na dumating yung parents nya pati yung Kuya Erick nya kaya kinakabahan ako.
"Kinakabahan kasi ako mga tol! Alam nyo namang ayaw sakin ng pamilya ni Ericka di ba? What if pinatulog nila si Ericka tapos sapilitang dinala sa New York." -Ako
"Wag ka ngang praning Brent! Lawak ng imagination mo."-Ivan
"Oo nga! Tsaka hinatid ko si Kamylle dun kanina bago ako nag punta sa bahay nyo. Okay naman. Nagbibihis si Ericka tapos sinalubong kami ng ate nya." -Rex
"Ahhh basta! Hanggat hindi ko nakikitang pumasok si Ericka dyan hindi ako mapapanatag." sagot ko.
Dahil hindi ako mapalagay sinubukan ko syang tawagan o itext, pero walang na sumasagot.
"Tol! sunduin ko na kaya?" sabi ko sa kanila.
"Brent umayos ka nga kung ayaw mong igapus ka namin dyan sa upuan. Mag relax ka okay! Dadating yun. Kung may masamang nangyari mag tetext yun si Natalie." -Jam
"Tama! Tsaka andun din si Angel at Donna, pati si Kamylle. Hind yun papayag na hindi nakarating si Ericka dito."-Ivan.
"Palagay ko alam ko na kung anong nangyari." singit ni Third.
"Ano?" sabay sabay naming tanong.
"Ngayon lang nagsama sama yung mga yun di ba? Malamang nakalimutan nila yung oras sa kakakwentuhan." sabi nya.
"Posible nga yun. Eto yung unang beses na nakita ulit nila si Kam kaya malamang nag tsismisan yung mga yun. Haaay mga babae nga naman!" -Ivan.
Sana nga! Yun lang yung dahilan.
Maya maya lumapit sakin yung wedding coordinator.
"Sir!!! On the way na daw po sila sabi ni Ms. Monick." sabi nya.
Nung marinig ko yun, para akong nabunutan ng tinik.
"Ms. Coordinator paki sabi bilisan bago pa umiyak tong kaibigan namin"-Ivan.
"Relax ka lang Sir ha!! Wag ka masyado na tense." sabi nya bago tumakbo palabas.
Wag ma tense? Putsa!! paanong di ako matetense. Halos mag uumpisa na yung misa wala pa yung mapapangasawa ko tapos sasabihin nya wag ako ma tense.
"Tol..What if di dumating si Ericka!! wag if pag dating nung bridal car ang laman si Monick na may dalang sulat galing kay Ericka na nagsasabing hindi matutuloy yung kasal dahil pupunta na syang New York. Anong gagawin mo?" pang aasar ni Ivan.
"Wag mo nga akong iniinis Ivan! Baka kahit nasa loob tayo ng simbahan samain ka sakin." -Brent.
Natawa nalang yung iba.
"Ano Jam? Bat nakikitawa ka dyan. Hindi ba dapat ikaw yung mas nakakaintindi sakin dahil napag daanan mo na to!" sabi ko kay Jam.
"Uhhhmmmm actually tol hindi eh!! Kasi una sa lahat, ako yung late. Naunang dumating si Natalie sa kasal namin. Na late ako kasi may kinaladkad pa ako papauntang simbahan." sabi nya sabay tingin kay Rex.
Nung araw kasi nang kasal ni Jam, ayaw mag punta ni Rex. Kinailangan pa nilang puntahan si Rex sa bahay nya para paliguan at bihisan.
"Tsaka isa pa..Mahal na mahal ni Nat si Jam noh..Kaya sure na pupunta si Nat sa kasal nila." gatong ni Ivan.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...