CHAPTER 23: I WON'T GIVE UP

1.3K 29 2
                                    

JAM'S POV

Nasa labas palang ako ng bar, dinig na dinig ko na yung sigawan sa loob. Kasabay nun yung mga boteng nagliliparan.

Malamang nagwawala na naman si Brent.

Tama nga ako dahil pag pasok ko, lumilipad na bote yung sumalubong sa akin. Buti na lang at mabilis akong naka ilag.

"Ano ba Brent! Tama nay an. Nakakasakit ka na!" awat ni Ivan sabay kuha ng bote kay Brent.

"Putang Ina talaga!!!" sigaw ni Brent sabay agaw ng bote kay Ivan.

Umupo ako sa tabi ni Third.

"Anong nangyari dyan?" tanong ko.

"Galing kina Ericka, kaso di sila nagkita." Sagot ni Brix.

"Hindi talaga sila magkikita kasi kasama ni Natalie si Ericka kanina." Sabi ko naman.

Kagabi palang alam ko na kung anong nangyari. Tinawagan kasi ako ni Brix para ipaalam na nagwawala nga daw si Brent.

Pupuntahan ko na nga sana kaso ang sabi ni Brix wag na daw.

Inantay ko nalang na magtext sya o tumawag.

"Umupo ka nga muna Brent. Huminahon ka! Hindi mo madadala sa init ng ulo yan." Sabi ni Ivan na pwersahang pinaupo si Brent sa harap namin.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Ivan.

"Putcha Ivan wag ngayon baka sayo hampas tong mga boteng to!" sabi ni Brent sabay hablot sa mga bote. Mabuto nalang at mas mabilis si Brix kaya naiwas nya agad.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila sa akin. Ano pa bang kailangan kong gawin ha? Sabihin nyo nga! Ano pa bang kailangan kong gawin?" sabi ni Brent habang naluha.

Hindi kami sumagot. HInayaan lang namin syang maglabas ng sama ng loob.

"Putang Ina naman! Ginawa ko na lahat. Ni minsan hindi ko sinaktan si Ericka. Ni minsan hindi ako nag take advantage sa kanya. Nirespeto ko sya. Minahal ng sobra. Ano pa bang kulang? Bakit hindi pa rin nila matanggap yung relasyon namin ni Ericka." –Brent.

"Ano ba kasing nangyari kanina?" tanong ko.

"Nagpunta ko doon para kausapin si Ericka. Para sabihin sa kanya na hindi ko sya isusuko. Para sabihin sa kanya na magkasama naming haharapin yung mgapagsubok na dadarating sa amin. Ang kaso ayaw syang palabasin ng Kuya nya. Sinabihan pa akong wag na daw akong babalik doon na at hindi daw ako kailangan ni Ericka." Sabi nya sabay suntok sa mesa.

"Tol, intindihin mo nalang yung Kuya ni Ericka. Syempre inaalala lang nun yung kalusugan ni Ericka." Sabat naman ni Ivan.

"Kaya gusto nyang ilayo? Kaya gusto nyang dalhin sa states si Ericka? Gago ba sya? Alam naman nyang magpapakasal pa kami ni Ericka tapos isasama nya si Ericka?" –Brent.

"Mas importante pa ba yang kasal nyo kesa sa ikakagaling ni Ericka tol?" –Ivan.

"KANINO KA BA KAMPI IVAN? SA AKIN O SA KANYA? BAKIT PARANG JINUJUSTIFY MO PA YUNG GUSTO MANGYARI NI ERICK?" –Brent.

Sasagot sana si Ivan pero siniko ko sya.

May punto naman si Ivan. Kung yun lang yung way para gumaling si Ericka dapat maintindihan ni Brent yun.

Pero alam ko namang hindi nya pa yun maiisip ngayon kasi magulo pa yung isip nya.

Dahil sa gulo ng lugar at mga basag na bote, hindi na nakapag bukas ng bar si Third nung gabing yun. PInauwi nya nalang yung mga waiter at bar tender nya.

Hinayaan nalang namin si Brent na magpaka lango sa alak.

"Ang sakit tol! Ganito pala yung feeling nang masaktan. Nakamamatay. Ngayon naiintindihan ko na si Rex." Sabi ni Brent habang nakangiti pero umiiyak.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon