CHAPTER 66: BROTHERS

910 18 2
                                    

EARL'S POV

Tatlong araw pagkalibing kay Lolo binasa yung last will nya.

"At ang pinaka huli sa lahat eto. Ayon sa Lolo mo sayo ito mapupunta" sabi nung abogado sabay abot sakin ng isang maliit na treasure box. Pag bukas ko may dalawang gold necklace sa loob na may kasamang sulat. Ang isa may pangalan ni Eryl at ang isa naman may pangalan ni Kamylle. Mukha alam ko na ang gusto nyang gawin ko sa mga yun. Ang isa gusto nyang ibigay k okay Kamylle samantalang ang isa gusto nyang itago. Bukod doon nandon din yung family crest naming. Ibinibigay yun sa susunod na manununo sa Underground.

Tumingin ako kay Martin.Sa pagkaka alam ko kasi sya ang successor ni Lolo kaya bakit sa akin mapupunta to?

Tumingin lang sya sakin tsaka tumango. Mukha alam na nya na sa akin to mapupunta at okay lang yun sa kanya.

Hindi na ako tumanggi sa gusto mangyari ni Lolo. Hindi ko alam kung parusa nya sakin to dahil matigas yung ulo ko o gusto nyang maging responsable na ako sa buhay ko.

Matapos basahin yung last will ni Lolo bumalik na si Mom at Dad sa London. Mas lalo lang daw kasi nasasaktan si Mom kapag nandito sya sa Pilipinas. Si Martin naman nagpaiwan para ayusin yung ilan sa mga negosyong naiwan ni Lolo.

Ako naman ilang araw na nagkulong sa kwarto. Wala naman akong problema kung magkulong ako dito. Nasa opisina naman si Martin, si Fred naman tuloy pa rin yung pagbabantay kay Kamylle.

Speaking of Kamylle, tama nga ako. Nakalabas na sya nang ospital at nagpapahinga sa bahay nila. Mukhang after sya makausap ni Rex nagising sya sa pagkaka comatose.

Maya maya bigla akong naka tanggap nang tawag kay Fred.

"Oh Fred bakit?" bungad ko sa kanya.

"Boss andito ako kina Kamylle ngayon pero mukhang hindi ako nag iisa dito." Sabi nya.

"Of course malamang nandyan din si Rex" sagot ko.

"Hindi yun yung ibig kong sabihin boss. May iba pa." sagot nya.

"What do you mean? Sinong iba?" nagtataka kong tanong.

"Andito yung girlfriend ni Brent. Yung best friend ni Lady Eryl." –Fred

"Sino? Si Ericka?" –Ako

"Oo Boss. Sya nga! Parang may kasama pa syang ibang tao pero hindi ko kilala kung sino." –Fred.

"Kanina pa ba sya nandyan?"-Ako

"Oo Boss. Kanina pa.Mukhang binabantayan nila si Rex."-Fred

"What? Bakit sya nandyan? Baka mamaya kung anong mangyari sa kanya. Pupunta ako dyan hintayin mo ko." –Ako

Kainis talaga tong mga kaibigan mo Hime! Kunsumisyon masyado.

Agad kong kinuha yung susi nang kotse ko at umalis. Dahil gabi na wala pang 30 minutes nakarating na kay Fred. Agad akong lumipat sa kotse nya.

"Kanina ba pa sila dyan?" tanong ko.

"Oo Boss. Akala ko nga aalis din sila agad pero mukhang inaantay nilang umalis si Rex." –Fred.

"Sige..tingnan natin kung anong gagawin nila." –Ako

Halos tatlong oras na kami naghintay pero mukhang wala syang balak umalis. Mukhang nahawa na rin to sa mga kalokohan ni Eryl nung nabubuhay pa.

"Alam mo boss hindi ko talaga ma gets kung bakit pinag aaksayahan mo nang oras yang si Kamylle. Akala ko ba tanggap mo na lahat. Bakit ngayon hinahunting mo na naman sya?" biglang sabi ni Fred.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon