CHAPTER 17: FINDING SOMEONE

1.3K 36 0
                                    

Tokyo, Japan

Esme's Pov

"Ano Allison tumawag na ba si Papa?" tanong ko sa sekretarya ni Papa.

"Hindi pa Madam. Hindi ko rin po makontak." Sagot naman ni Allison.

Andito kami ngayon sa Magridal Empire Tokyo Branch. Isa ito sa mga kompanyang pinamamahalaan ng pamilya namin.

Si Papa ang Founder nito at ang anak ko namang si Martin and CEO.

Ako nga pala si Esmeralde Ricaforte Madrigal. Ako ang Ina nina Martin, Earl at syempre ang unica hija kong si Eryl.

Kaya kami andito dahil nakatanggap kami ng tawag mula kay Allisson na mag iisang buwan na daw na hindi napunta si Papa dito at hindi nila matukoy kung saan nag punta.

"Hindi ba talaga nagsabi sayo kung saan pupunta?" nag aalala kong tanong. Pati kasi ako hindi ko rin sya makontak.

"Hindi po talaga Madam. Si Butler George lang po yung sinama nya." –Allison.

Asan nab a to si Papa. Kung kailan tumanda saka naging lakwatsero.

"Mahal humihanon ka nga! For sure may importanteng pinuntahan si Papa kaya hindi na nagawang magpaalam." Sabi ng asawa ko.

Kung ako hindi na magpakali sa pag aalala, sya naman naka seating pretty lang sa couch habang nagbabasa ng magazine.

"Hindi ugali ni Papa na hindi magsabi kung saan pupunta. Kahit gaano kaimportante yung lakad nya hindi maaring hindi sya magsabi sa akin o kahit man lang kay Allison." Sabi ko sabay upo sa tabi nya.

"Baka naman kasi ayaw nya malaman nyo kung saan sya pupunta?" sabi nya na sa magazine pa rin nakatingin.

"Buti nga sana kung ganun lang. Paano kung makuha sya ng taga kabilang organisasyon? Paano kung mapahamak sya? Paano kung sa mga oras na to! Ai naku Rio hindi ko alam kung anong gagawin ko!" –Ako

"Alam mo mahal naprapraning ka a naman eh! Wag mo ngang iniestress yung sarili mo. Kung talaga nakuha sya ng taga ibang organisasyon dapat pinaalam na nila sa atin yun." –Rio

"Ewan ko Rio! Basta hindi maganda yung pakiramdam ko sa pagkawala ni Papa." –Ako

Hindi ako kinakabahan dahil alam kong kayang ipagtanggol ni Papa yung sarili nya. Isa malaki ang tiwala k okay Butler George. Alam kong hindi nya pababayaan si Papa pero hindi pa rin maiwasang mag alala ako lalo na ngayon na dumadami ang kaaway ng pamilya namin. Hindi lamang dahil sa negosyo kundi dahil na rin sa organisasyon na pinamumunuan namin.

"Relax ka lang Mahal! Alam ni Papa ang ginagawa nya at alam ko hindi nya ilalagay ang sarili nya sa alanganin. " –Rio

"Sana nga talaga! Sana nga!" –Ako

Maya maya bigla kong naisipang tawagan si Martin. Alam ko madalas sila mag usap ng Lolo nya kaya baka alam nya kung saan nag punta yung matandang yun.

Agad kong dinail yung number ni Martin, agad din naman syang sumagot.

"Yes Mom?" tanong nya.

"Asan ka ngayon?" tanong ko sa kanya.

"I'm here in Spain. May imemeet akong client. Bakit?" tanong nya.

Meeting? Sa Spain?

"Alam mo ba kung nasaan ang Lolo mo?" diretco kong tanong sa kanya.

"I though he's in Tokyo?'' sagot nya.

"No he's not! We're here in Tokyo at hinahanap namin ang Lolo mo but he's nowhere to be found!" –Ako

Nawalan na talaga ako ng pag asang may nakakaalam kung nasaan sya. Malabong alam ni earl dahil hindi sila masyadong nag uusap ni Papa. Nag umpisa yun nung inamin ni Papa kung anong ginawa nya noon.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon