BRIX'S POV
"Ano Bix? Asan na ba sila? kanina pa tayo dito eh...ang tagal naman." reklamo ni Ivan.
Andito kami ngayon sa open court ng subdivision nila Ivan. Nagkayayaan kasi kaming magbasketball.
"Relax ka nga lang Ivan. 7:30 palang oh! palibhasa kasi dyan lang yung bahay nyo kaya ang aga mo."sagot ko sa kanya.
Tatlo bahay lang kasi yung layo ng bahay nila dito.
"Excited na kasi akong maglaro. Ang tagal na rin kasi simula nung huli tayong nag laro magkakasama." sabi nya habang pinaglalaruan yung bola.
"Ganun talaga tol..May kanya kanya na kasing pamilya yung iba. Hindi na tayo kagaya ng dati na mga binata pa at wala pang responsibilidad. Ngayon, may asawa na si Jam. Si Brent ikakasal na. Si Thrid naman may negosyo. Si Rex naman mukhang nagsisimula na rin mainlove ulit." seryoso kong sabi.
"Tss.." ismid ni Ivan sabay simangot.
"Tol...matanong nga kita. Ayaw mo ba kay Kamylle para kay Rex." tanong ko.
Matagal ko nang gustong itanong to sa kanya. Lagi ko kasing napapasin na nagbabago yung ugali nya kapag naandyan si Kamylle.
Tumingin muna sya sakin. Pero bago sya makasagot, biglang dumating si Brent kasama yung si Jam at si Rex. Kasunod nila yung kotse ni Third.
"Oi..Kanina pa ba kayo?" tanong ni Brent.
"Oo..Kanina pa nga to nag rereklamo." -Ako
"Kasi naman..Usapan natin alas 8..7:30 na wala pa kayo. Akala ko tuloy hindi na kayo pupunta." -Ivan.
"Sira ka pala. Kita mong hinatid pa namin si Ericka at Natalie. Buti nga andun na si Rex at Third eh" sagot ni Jam.
"Oh..Si Earl at Fred nalang pala hihintayin natin."sabi ko.
Niyaya din kasi namin si Earl at Fred na maglaro. Buti nga at pumayag.
Maya maya, isang kotse ulit yung pumarada sa gilid ng court. Si Earl at Fred.
Pareho silang naka basketball jersey.
"Yun oh...Kumpleto na!!!" sabi ni Ivan sabay fist bomb kay Earl.
Nagtaka ako.
Kelan pa naging close si Ivan kay Earl.
"Sorry may dinaanan lang kami ni Fred." sabi ni Earl.
"Ayos lang..Kadarating lang din namin. Buti pumayag kang sumali dito."- Jam
"Ayos lang. Wala naman kaming ginagawa. Tsaka namimiss ko na din magpa pawis."- Earl
"Pare pareho pala tayo Eh. Ano pa hinihintay nyo..Tara na! Umpisahan na natin." excited na sabi ni Ivan.
Kagaya ng dati nag pompyang kami.
Ako si Jam si Rex at si Third ang magkakakampi.
Tapos si Brent, si Ivan, si Fred at si Earl naman sa kabila.
4 vs 4 ang labanan.
Nangag umpisa kaming mag laro, feeling ko bumalik ako nung highschool kami.
Halos wala pa rin silang kupas.
Ang galing pa din nilang maglaro.
Lalo na si Earl at si Jam. Sila pa rin ang nag dadala sa mga team mates nila.
Na alala ko tuloy yung nangyari nung championship game namin nung 3rd year.
Nagka initan sila kaya nagka gulo.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...