CHAPTER 52: MESS.WITH.HER.DEAL.WITH.US

1.2K 26 21
                                    

.IVAN'S POV

"Oh! napano yang mukha mo Kuya?" bati sakin ni Ivanna pag uwi ko ng bahay.

Andito sya sa bahay ko ngayon kasi nag away na naman sila ni Mommy.

"Wala nagkainitan lang kami ni Rex." walang gana kong sagot sa kanya sabay salampak sa sofa.

"Ni Kuya Rex? wow! Bago yun ah! wala ka na bang maaway ngayon at pati sila Kuya Rex inaaway mo na?" pang aasar nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. 

"Kesa inaasar mo ko dyan ikuha mo nalang ako ng yelo para mawala tong sakit ng mukha ko." sagot ko sa kanya.

"Sigurado kang si Kuya Rex sumapak sayo? Buti buhay ka pa?" sabi nya sabay tayo papuntang kusina.

Alam nya kasi yung pagiging gangster namin at yung kakayahan ng bawat isa. 

Napangiwi ako ng biglang kumirot yung labi ko. Mukhang dumudugo na naman yung sugat.

Na first aid na to ni Nat kanina kaso masakit pa rin.

Sabagay ano ba namang aasahan ko kay Rex eh solid naman talaga manapak yung isang yun. 

Pagkaabot sakin ng yelo ni Ivanna tumayo ako tsaka dumiretcho ako sa kwarto ko sabay hilata sa kama.

Kahit paano nabunutan ako ng tinik sa dibdib kahit pa ganito yung nangyari.

Ang tagal ko ring kinimkim sa loob ko yung totoo para lang iwasang masaktan si Rexel pero ang ending nasaktan pa din sya.

Ganun yata talaga. Kahit anong gawin ko ko o piliin ko masasaktan at masasaktan sya.

Pero ayos lang. Atleast ngayon alam na nya yung totoo. Kung pagkatapos nito mahal pa rin nya si Kamylle wala na akong magagawa dun. 

Mahal nya eh.

Maya maya biglang tumunog yung cellphone ko.

"Oi okay ka lang?" text sakin ni Angel.

Oo.. May number nya ako.

Hindi ko sya masyado napansin kanina habang nag kaka gulo pero alam kong andun lang sya.

"Oo okay lang ako. Normal na sa amin yun" sagot ko sa kanya.

Normal na naman talaga sa amin yung mag away di ba.

"Wee? Normal lang sa inyo ang mag sapakan?" - Angel

"OO! Ilang beses na ba kaming anim nag aaway. Sinula kay Rex at Jam hanggang kay Rex at Brent. Tapos ngayon kami ni Rex. Hindi naman halatang si Rex yung pinaka war freak sa amin di ba?" reply ko sa kanya.

"Sira ka talaga!Nakakapag biro ka pa kahit nagkakagulo na kayo. Sana lang hindi mag tagal yung away nyo" reply nya sakin.

Tagalang hindi magtatagal to kasi bukas na bukas din kakausapin ko sya.

Hindi kasi ako sanay na ako yung may kaaway sa amin.

"Okay..Sige matulog kana. Goodnight. By the way thanks for inviting me."-Angel

Hindi ko na sya nireplyan. Bigla akong napatingin sa salamin.

Shet! nabawasan ng 1% yung kagwapuhan ko dahil sa sapak ni Rex. 

Kinabukasan maaga pa lang nag punta na ko kina Rex.

Makikipag ayos ako sa kanya.

Sa amin kasi ako yung tipo ng ayaw kong nag kakaroon ng gap yung barkada. 

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon