Kamylle Pov
Hanggang pag uwi ko ng bahay hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Finally na meet ko na sila. SIlang lahat.
Pakiramdam ko ang saya saya ng puso ko nung makita at makausap ko silang lahat. Iba yung pakiramdam.
"Sis? Okay ka lang? Bat parang masaya ka?" bati ni Kuya Andrew.
"Wala Kuya, masaya lang ako." sagot ko sa kanya.
Hindi ko kasi mapigilang ngumiti.
"Althea ha! Baka naman mamaya may boyfriend ka na? o Manliligaw?" tanong ni Kuya Migs.
"Boyfriend agad? Manliligaw nga wala tapos boyfriend meron?" sagot ko naman.
Wala naman kasi talagang nagtatangkang manligaw sa akin dahil sa kanila.
"Eh yung nakita kong kasabay mo nung isang araw?" singit ulit ni Kuya Migs habang kinakalikot yung Cellphone nya.
"What? May nakita kang kasama nya? Sino yung ungas nay un sis?" –Andew
"OO nga! Sabihin mo at uupakan namin yun." –Andrey
Kambal nga talaga sila. Kapag may sinasabi sila laging dugtungan.
"Si Harry yun Kuya ka swela ko tsaka kasamahan ko sa trabaho." Sagot ko naman sabay irap sa kanilang tatlo.
Ang hirap talaga kapag may apat kang Kuya na puro strikto.
Sinabi mo pa! Ako nga dalawa lang hirap na eh!
Maya maya biglang lumabas si Mom.
"Ano na naman yan? Pinag tutulungan nyo na naman yang kapatid nyo?" pagalit nyang sabi.
Buti na lang talaga andyan si Mom na lagi kong kakampi.
"Si Althea kasi Mom. May manliligaw na yata." Sabi ni Kuya Andrew.
"Baka Boyfriend! Naku Althea! Wag lang talaga namin makikita yan malulumpo yann" –Kuya Andrey
"Mom oh!" sumbong k okay Mom.
"Tumigil nga kayo! Ano ngayon kung may boyfriend sya o manliligaw. Eh sa maganda yung kapatid nyo kaya marami talagang magtatangkang manligaw dyan." Sabi ni Mom
"Maganda? Sa lapad ng noo at pangong ilong nyan! Maganda?" sabi ni Kuya Andrew.
Napaka bully talaga nito.
"Sus! Magkalamukha kaya kayo." Singit ulit ni Kuya Migs.
"Hahaha magkamukha pala kayo eh! Lapad noo ka din bro!" kantyaw naman ni Kuya ni Andrey.
"Ulol! Kung magkamukha kami magkamukha din kayo. Kambal tayo!" sigaw naman ni Kuya Andrew.
Sabagay totoo naman. Magkakamukha kasi talaga kaming tatlo. Madalas nga kaming mapagkamalang triplets.
"Oh sya tama na yan! Magsipag tulog na kayo at may pasok pa kayo bukas." Sabi ni Mom na nauna ng umakyat sa kwarto.
Sumunod naman si Kuya Migs tsaka ako. Nagpaiwan yung kambal tinatapos pa kasi nila yung nilalari nila.
Paghiga ko sa kama, hindi pa rin maalis yung sa isip ko yung nangyari kanina.
Mukhang ang saya ng barkadahan nila nung nabubuhay pa si Eryl. Yung siguro yung saya na hindi ko naramdaman noon dahil wala naman akong maituturing na mga kaibigan.
Bigla kong naalala si Ericka.
Ayaw nyang ipaalam kay Brent yung sakit nya?
Natatakot siguro syang masaktan si Brent kapag nalaman nya. Natatakot syang makitang nasasaktan si Brent sa araw araw na nagkikita sila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomansLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...