REX'S POV
"Cheers!!!! " sigaw ng lahat sabay taas ng hawak naming bote ng alak.
"Akala ko ba anim na buwan yung honeymoon nyo? Bat wala pang tatlong months bumalik na kayo? " tanong ni Third kina Brent at Ericka.
Andito kami ngayon sa Empire Place nag iinuman. Biglaan lang tong pagkikita kita namin. Nagulat nalang kami kaninang hapon ng biglang tumawag si Brent para sabihing naka uwi na sila ni Ericka.
"To kasing si Ericka nagmamadaling umuwi eh. Balik nalang daw kami sa next month." sagot ni Brent sabay tungga ng alak.
"Paanong hindi ako uuwi, saglit lang akong nawala parang ang dami ko ng na miss. Lalo na sa inyong dalawa. " sagot ni Ericka sabay nguso sa amin ni Kamylle.
Napangiti naman ako. Hindi ko na kasi sa kanila sinabi yung plano kong mag propose kay Kam. Ayoko kasing maistorbo sila sa honeymoon nila. Kaya naman nagulat nalang sila nung sinend ko yung video last month.
It's been a month na simula nung maging kami ni Kamylle. Sa ngayon okey naman yung relasyon namin. Medyo busy nga lang sya ngayong linggo kasi madami nyang kailangang habulin bago yung graduation nila. Pero kahit papano may time pa rin kami sa isat isa. Okey na rin ako sa family nya. Mukha namang napatunayan ko na sa kanila kung gaano ko kamahal si Kamylle kaya tanggap na rin nila.
"Oo nga! Nakakasama kayo ng loob. Hindi nyo man lang ako hinintay. Sana naka sama ako sa don Can't help falling in love nyo" biro ni Brent.
Bigla namang nagtago sa likod ko si Kamylle sabay tawa ng malakas.
"Oh bat namumula ka? Nahihiya ka sa kalokohan nitong boyfriend mo? " natatawang tanong ni Ericka.
"Wag nyo na ngang ipa-alala.Nakakahiya eh!" sagot ni Kam. Namumula pa rin yung pisngi nya.
"Naku! wala pa yan. Kung inabot mo lang buhay namin nung highschool. Gugustuhin mong lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan "-Ericka
Para kasing tradisyon na aa grupo na may gimik lagi yung proposal. Ang umpisa to kay Jam nung unang proposal nya kay Nat bago sila mag break nung highschool. Tapos sinundan ni Brent kay Ericka tapos ako kay Eryl.
"Sus! Kahihiyan ka dyan! kilig na kilig ka nga nung nagpropose ako sayo. Kung wala nga sigurong mga tao nun baka niyakap mo na ako at hinalikan sa sobrang kilig." -Brent
"Oi ang kapal mo ah! Hindi kaya kita type nung mga panahon na yun. Ayoko lang mapahiya ka kaya umuOo ako. "-Ericka
"Owwws? Sinong asawa mo?" nang aasar na tanong ni Brent
"Hehehe Ikaw! " natatawa namang sagot ni Ericka.
"Yun oh! sabi nga nila the more you hate the more you love." singit ni Ivan.
"Tumigil na nga kayo. Mag asawa na nga kayo't lahat lahat nag bobolahan pa kayo." sita sa kanila ni Jam.
"Sus naman! Nag salita! Ikaw nga dyan ilang saglit lang mawala sa paningin mo si Nat hindi kana mapakali. Di ba Nat? "sagot nya.
Siniko naman sya ni Angel.
"Tumigil ka nga dyan! Puro kalokohan" sita sa kanya ni Angel.
Sa totoo lang na miss ko to.Ang tagal na rin kasi simula nung huli kaming nagkainuman ng ganito. Yung inuman na masaya lang. Hindi yung inuman dahil may problema.
"Oh bakit natutulala ka dyan? " sita sakin ni Brent.
"Wala lang. Ang galing noh? We started as 6..then we became 9..tapos naging 8..pero ngayon 11 na tayo. Isa nalang yung kulang kumpleto na. " -Ako
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Lãng mạnLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...