CHAPTER 32: LET'S PLAY

1.3K 30 9
                                    

Jam's Pov

Halos tatlong araw na simula nung mawala si Ericka pero wala pa rin kaming lead kung nasaan sya o kung sinong may pakana ng pagkawala nya. Hindi na rin tumawag ulit yung lalaking tumawag kay Brent.

Hindi na rin naming nailihim sa Ate ni Ericka yung pagkawala nya. Pero napaki usapan naming syang wag munang sabihin kay Erick yung nangyari para hindi lalong masama yung lagay ni Brent kay Erick.

Mabuti na lang at pumayag sya at gumawa muna ng dahilan para ma delayed yung alis nila papuntang States. Pero binigyan nya ng isang lingo si Brent para mahanap si Ericka. Pagkatapos nun at hindi nya mahanap si Ericka, mapipilitan si Monick na sabihin ang totoo kay Ericka.

"Nagtataka lang ako, bakit hindi na ulit tumawag yung lalaking tumawag kay Brent? Kung kidnap for ransom to bakit hindi sila nang hihingi ng pera. " tanong ni Ivan habang kumakain ng cake.

Andito kami ngayon sa café. Pansamatala muna naming tong isinara habang hinahanap naming si Ericka. Pero araw araw pa rin kaming andito para mag usap-usap.

"Oo nga. Naguguluhan na rin ako sa nangyayari. Bakit hindi nila tayo tinatawagan kung anong gusto nila?" –Brix.

"Ikaw Rex may nalaman ka ba?" tanong ko kay Rex.

"Wala tol! Na hack ko na lahat ng system ng CCTV sa lugar na yun pero wala talaga akong makita. Walang kahit na anong clue." Sagot naman ni Rex.

Natigilan kaming lahat. Sa nakalipas na tatlong araw wala kaming ginawa kundi maghanap ng bagay na makakatukoy kung nasaan si Ericka. Pero wala talaga kaming makita. Lahat ng kuneksyon naming nagamit ko na pero ni isa sa kanila walang makapag sabi kung nasaan si Ericka.

Pati underground world napuntahan ko na pero wala talagang may alam.

"Ano kaya kung magpagpatulong na tayo kina Master Earl?" –Ivan.

"Ni hindi nga natin alam kung nasaang bansa si Earl ngayon." –Brix

"E di tawagan natin. Sabihin natin yung problema. Sigurado akong tutulungan tayo nun. Mas malaki yung network nila at mas marami silang kuneksyon kaya sigurado sa ilang araw lang malalaman na natin kung nasaan si Ericka." –Ivan.

Habang nag uusap usap kami tahimik lang si Brent sa isang sulok. Nag iisip.

"Tingin mo Brent? Kontakin na natin si Earl? Mukhang hindi natin kaya to." Sabi ko pero hindi nya ako kinibo.

Maya-maya biglang tumunog yung Cellphone nya. Lahat kami napalingon. Nakatingin naman sya sa amin.

Agad nyang nilagay sa loudspeaker tsaka sinagot.

"Hello! Sino to?" –Brent

"Ang bilis mo naman makalimot. Tatlo araw palang simula nung nagusap tayo limot mo na agad?" sabi nung nasa kabilang linya.

Sa boses pa lang sigurado akong yun yung tumawag sa kanya nung araw na nawala si Ericka.

"HAYUP KA! NASAAAN SI ERICKA? IBALIK MO SYA SA AMIN!" sigaw ni Brent.

Hinawakan ko sya sa balikat para pakalmahin.

"Oh! Relax ka lang! masyado ka namang hot eh! Di ba sabi ko maglalaro muna tayo bago ko ibalik si Ericka sayo? Ngayon natin uumpisahan yung laro ko. Ready ka na ba?" sabi nung nasa kabilang linya.

Hindi na napigilan nung ibang sumabat.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo at pinaglalaruan mo kami ng ganito?" –Ivan.

Biglang tumawa yung nasa kabilang linya.

"Sabe ko na nga ba at kupleto kayo eh. Okay sige kung gusto nyong samahan si Brent sa laro ko walang problema." Sagot nya.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon