CHAPTER 36: START OF MOVING ON

1.2K 27 0
                                    

EARL'S POV

Pagkalabas ni Ericka ng ospital bumalik na rin si Tito Claude sa London.

Buti na lang at hindi nalaman ni Mom na nanggaling dito sa Pilipinas si Tito Claude kundi lagot ako.

"Oh...tapos na yung kalokohan mo. Baka naman pwedeng yung kumpanya ko naman ang asikasuhin mo?" Sabi ni Kuya Martin habang kausap ko sya sa phone.

Oo nga pala hindi pa ko nakakapag set ng meeting doon sa napili kong contruction firm na gagawa sa bagong building ni Martin.

"Oo Kuya. Bukas na bukas din mag seset agad ako ng meeting para masimulan na."sagot ko.

"Good! After that pwede ka ng bumalik sa London. Basta isaayos mo lang. Si Mr.Tan na yung bahala mag supervise." -Kuya Martin.

Sa wakas...makaka uwi na ko sa London.

Ilang Buwan na akong nabuburyong dito.

Kung hindi dahil kay Ericka baka nabaliw na ko dito sa Pilipinas. Buti na lang at busy ako nitong mga nakaraang Linggo kaya hindi ako masyadong nainip.

"Master Earl may sulat po kayo." Sabi ni Butler Josh sabay abot ng isang sobre.

Sulat!!! Uso pa ba yun?

Pagbukas ko ng sobre Invitation yung laman.

"Restorante De Ayala Soft Opening"

Aba! Himala..binuksan ulit ni Rex yung restaurant nya.

Mukhang unti unti na rin syang nakaka move on kagaya nung iba.

Mabuti yun... inaasahan ko nang hindi sya habang buhay na mabubuhay sa ala ala ng kapatid ko.

Alam ko sooner or later babalik ulit sya sa dati nyang buhay.

Masaya na ako dahil ipinakita nyang hindi ganun kadali kalimutan yung kapatid ko.

Pero sa kabila nun may konteng lungkot na nararamdaman yung puso ko.

Pakiramdam ko kasi unti unti na rin nilang nalilimutan si Eryl.

Natatakot akong sa katagalan, tuluyan na nilang makalimutan yung kapatid ko.

"Master Earl, si Mr.Lim po nasa linya na."sabi ni Butler Josh.

Kinuha ko yung phone at kinausap si Mr.Lim.

"Hello Mr.Lim. Mag set ka ng meeting sa Mendoza Construction bukas. Gusto kong maka usap yung representative nila."utos ko kay Mr.Lim

Gusto ko na kasing matapos to ng maka uwi na ako sa London.

"Masusunod po Sir Earl."sagot nya.

Pagbaba ko ng telepono, cellphone ko naman ang nag ring.

Si Mommy...

"Hello Mom..." -Ako

"Asan ka Earl.." bungad nya.

"Andito sa bahay...bakit?"tanong ko.

"Good..sunduin moko sa airport ngayon. Andito na ko sa Pilipinas." -Mom

"Whaaat? Ano ka ba namam Mom..bakit ngayon ka lang nagsabi kung kelan andito ka na." Inis kong sabi.

Talaga tong Nanay ko hindi na nagbago.

Kung kelan andito nasa magsasabi.

"Dalian mo na... Ayoko kong tumambay dito sa airport."sabi nya.

Inis kong pinatay yung cellphone at nagmamadaling umalis.

Dahil hindi naman matraffic. Isa't kalahating oras lang nasa airport na ako.

Agad ko namang nakita si Mommy.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon