Kamylle's Pov
7:30am
Tok..tok..tok...
"Althea gising na! Handan na yung almusal." Tawag sakin ni Mom.
Ang hindi nya alam, kanina pa talaga ako gising. Ugali ko na kasing unahan ang araw sa pag bangon. Ang sarap kasing pagmasdan ng araw habang unti-unting sumisikat. Parang sa bawat pagsikat ng araw sinisimbolo nya na may isang araw na naman tayong mabubuhay. Isang araw na makakasama yung mga taong mahal natin sa buhay, isang araw na dapat nating ipagpasalamat dahil hindi lahat ng tao pinapalad na magkaroon ng isa pang araw sa bawat buhay nila.
"Andyan na Ma, bababa na po ako." Sagot ko kay Mom pero hindi pa rin ako umaalis sa tapat ng bintana. Hindi ko alam pero aliw na aliw talaga akong pagmasdan ang paligid tuwing umaga.
Ako nga pala si Kamylle Althea Mendoza. 20 years old. 4th year student ng St. Therese University. Nursing student ako pero hindi ito yung gusto kong course, may nangyari lang kasi kaya nag shift ako sa nursing.
After 5 minutes may kumatok ulit, pero this time hindi na si Mom.
"Sis? Gising ka na?" tanong ni Kuya Gab. Pang apat kong Kuya. Sobrang hina ng boses nya para siguro di sya marinig nila Mom.
"Yup Kuya Why?" tanong ko sabay bukas ng pinto. Agad naman syang pumasok tsaka dalidaling sinara yung pinto.
"I just want to make sure na ok ka lang. About doon sa kagabi, I'm so sorry Sis, hindi ko naman alam na magkakagulo pala doon. Kung alam ko lang hindi n asana kita isinama.
Sorry talaga sistah." Sabi nya sakin sabay hawak sa kamay ko. Natawa lang ako.
"Ano ka ba Kuya ok lang ako. Tsaka hindi naman sa grupo natin yung nag away sa ibang grupo naman yun." Sagot ko sa kanya.
"Oo nga, pero kasi baka natakot ka. Alam mo na baka umatake ulit yung sakit mo. Naku kakalbuhin talaga ako ni Papa pag may masamang nangyari sayo." Sabi ulit nya sabay hawak ng buhok nya.
Kuya Gab is a Bi. Pag nakita mo sya aakalain mong straight guy sya, hindi kasi sya nag crocross dress, pero pag kinausap mo sya malalaman mong pusong babae talaga sya. Sya rin ang pinaka close ko sa lahat ng Kuya ko. Bukod kasi sa pusong babae sya, eh magkasunod kami. Feeling ko nga ako ang dahilan kung bakit naging pusong babae sya. Madalas kasi lagi ko syang niyayaya maglaro ng mga pambabaeng laro nung bata pa kami. At dahil sa ako ang bunso at unica hija, wala syang magawa kundi pagbigayan ako. Pero kahit na naging pusong babae sya, hindi naman nagbago yung pagtingin naming sa kanya. Mahal na mahal pa rin naming sya. Lalo na ni Dad, atleast daw dalawa na kaming anak nyang babae.
"I'm ok kuya, magaling na ako tsaka hindi naman malalaman ni Papa yun, unless mag sabi tayo." –Ako
"Oo nga sis, pero kasi alam mo naman yun si Papa, masyadong overprotective sayo. Well hindi ko naman sya masisisi lahat naman kami overprotective talaga sayo." –Kuya Gab.
Tama si Kuya, pag dating sa akin super over duper protective talaga yung pamilya ko. Bata pa lang kasi may taning na yung buhay ko. At the ags to 1, I was diagnosed with Congenital heart defect at sabi ng doctor, swerte na daw kung abutin ako ng 18 years old. Milagro na daw yung maituturing, kaya naman bata palang kontrolado na yung emosyon ko. Bawal akong masaktan, matakot, sobrang saya, o kahit na ang magulat. Sobrang kontrolado pati pag kilos ko. But things changed 3 years ago. Lahat ng nagbago. Nabigyan ako ng second chance mabuhay, magawa yung mga bagay na gusto ko at higit sa lahat makasama pa ng matagal yung pamilya. Salamat sa isang taong hindi ko man alam kung sino, pero ipinangako kong aalamin ko.
"Pero kuya kilala mo kung sino yung mga yun?" tanong ko kay Kuya pero hindi na sya nakasagot dahil tinawag na ulit kami ni Mom.
"Althea, ano ba? Kakain na! Kayo nalang ni Gab ang wala." Tawag ulit ni Mom.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...