CHAPTER 67: LEFT BEHIND

860 18 5
                                    

REX'S POV

"Okay ka lang ba tol?" tanong sakin ni Brix. Kanina pa nya siguro napapansin aligaga ako.

"Oo tol. Okay lang ako." Sagot ko.

"Weh? Di nga? Para kang pusang di mapa anak dyan tapos sasabihin mo okay ka lang. C'mon spit it out bro. Ano ba yun?" –Brix.

Sa totoo lang hindi talaga ako okay. Kanina ko pa kasi iniisip kung paano ko hihingin sa pamilya ni Kamylle yung approval nila para maging girlfriend ko sya nang hindi nabubugbug.

"Ano kasi tol eh.. Kwan..paano ko ba sasabihin?" nauutal kong sabi. Lahat sila naka tunganga sakin. Hinihintay yung sasabihin ko.

"Puta naman Rex! Pabitin ka eh. Ano ba yun? Nakabuntis ka ba? Nabuntis mo ba si Kamylle? Ano? Magsalita ka!" singit ni Ivan.

"Gago! Anong buntis pinag sasasabi mo dyan. Iniisip ko kung paano ako mag propropose kay Kamylle." Sagot ko. Lahat sila natigilan.

"Wait! Anong proposal? Wedding proposal ba to?" paglilinaw ni Natalie.

"Hindi pa. Proposal lang na maging girlfriend ko sya. Alam nyo na para magka label na yung relationship namin."-Ako

"Okay naiintindihan ko. Pero feeling ko lang ha, bago mo isipin kung paano ka magpropropose sa kanya dapat siguro isipin mo muna kung papayag ba yung pamilya nya mag maging magka relasyon kayo. Lalo na yung mga kapatid nya. I mean, okay sila na nag uusap kayo ni Kamylle at nagkikita. Pero syempre iba pa rin kapag magiging magka relasyon na yung pinag uusapan." –Natalie.

"Tama si Nat. Kung si Kamylle lang obvious naman na mahal ka nung tao. Pero how about yung mga kapatid nya? Tanggap ka na ba nila para kay Kamylle? Baka mamaya punching bag na naman yung kalabasan mo." –Brix.

"Naisip ko na rin yan guys. At yan yung kanina pa gumugulo sa isip ko. Ano bang dapat kong gawin?" –Ako

"Teka lang! Bakit parang bigla yatang naisip mong lagyan ng label yung relasyon nyo? Dahil ba nung isang araw?" tanong ni Ivan.

Yung tinutukoy nya yung biglaang pag sugod naming sa bahay nila Kamylle. Bigla kasi akong kinabahan kasi hindi ko sya macontact.

Pero Oo. Yun nga yung nag trigger sakin na gawin nang pormal yung relasyon namin. Nun ko kasi narealized kung gaano ko sya kamahal at hindi ko kakayanin kapag nawala pa sya sakin.

"Bakit? Ano bang nangyari nung nakaraan?" tanong ni Angel. Wala sya nun kaya hindi nya alam. Malamang hindi na rin naikwento ni Ivan.

"Wala naman Mhine. Napraning lang sya kasi di nya ma contact si Kamylle. Kaya ikaw make sure na laging available yang cellphone mo kung ayaw mong ako naman ang mapraning." Sagot ni Ivan na may kasama pang kindat kay Angel.

"Tss..." singhal ni Brix. Napansin yun ni Ivan.

"Oh! Anong sinisinghal singhal mo dyan? Palibhasa kasi hindi ka pa naiinlove kaya ganyan ka maka react" tanong ni Ivan kay Brix.

"Sino nagsabi sayo? Pinangunahan mo naman yung buhay ko."sagot ni Brix.

Minsan hindi ko alam kung seryoso ba yang sagutan nila o gaguhan lang. Feeling ko kasi minsa may issue talaga sila.

"Tumigil nga kayo. Para kayong bata. Focus muna tayo sa problema ni Rex okay! Ano nga palang nangyari dun Rex? Bakit di mo daw makontact?" tanong ni Natalie.

Flasback

"Hmm mukhang an gaga mo yata magising Hijo. Mukhang excited ka ah!" bungad sakin ni Mom pagbaba ko sa sala. Sino ba namang hindi magiging excited? Mamayang gabi mamemeet na ni Mom si Kamylle.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon