CHAPTER 49 : REVELATION

1.1K 24 4
                                    

REX'S POV

Kanina pa nag simula yung misa para kay Gummy Bear pero ni isa sa mga sinabi nung pari wala akong naintindihan.

Aminado naman kasi akong lumilipad yung isip ko.

Oo malungkot ako sa araw na to kasi eto yung araw na nawala yung unang babaenh minahal ko.

Pero sa kabila nun may isang bagay pang gumugulo sa isip ko.

Si Kamylle.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon naiinis pa rin ako dun sa nakita kong may kasama syang iba.

Mukhang boyfriend nga talaga nya yun dahil hindi man lang sya nag paliwanag nung nakita ko sila.

Sabagay sino nga ba naman ako para pagpaliwanagan nya.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na napansing tapos na pala yung misa.

Namalayan ko na lamang na unti unti nang umaalis yung mga bisita.

"Ano Rex dyan ka lang ba?" tanong sakin ni Jam.

Nakatayo na sila nila Nat at nakatingin sakin.

Bigla akong na guilty. Akala siguro nila si Eryl yung laman ng utak ko. Pero ang totoo ibang babae yung iniisip ko.

Tumayo ako tsaka lumapit sa puntod ni Eryl.

Tiningnan kong maigi yun.

"I'm sorry Gummy Bear... Dapat sayo ko inalalaan tong araw na to. Pero di ko magawang ituon sayo yung atensyon ko." sabi ko sa isip.

Syempre di ko pwedeng ilakas yun. Baka bigla na lang akong sapakin ni Jam o ni Ivan na kanina pa masama yung tingin sakin.

"Iloveyou..Mahal na mahal kita" sabi ko sa kanya. Yun pinarinig ko na sa kanila.

Nunh sinabi ko yun seryoso ako.

Ang di ko lang maintindihan bukod sa kanya,may iba pang sumagi sa isip ko.

Si Kamylle.

Haist... Bakit mo ba kasi Rex iniisip yung mga taong wala dito.

"Tara na..."yaya ni Jam.

Napansin kong Ako, sya at si Ivan nalang pala yung naiwan. Yung iba nauna na sa EP.

Sumunod ako sa kanila pero hindi pa kami masyadong nakaka layo, napalingon ako sa punto nya.

Bakit ang lungkot ng pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko huling punta ko na? Bakit feeling ko matatagal ulit bago yunh sunod na punta ko.

Maya maya biglang may umihip malamig na hangin.

Pakiramdam ko niyakap at hinalikan ako ng hangin.

Siguro si Eryl yun. Nagpapasalamat dahil sa pag punta ko.

"Rex..." tawag ulit ni Jam sabay pasok sa kotse nya.

Pag dating namin sa EP, nagsisimula ng kumain yung mga bisita.

Mas konti yung tao dito kumpara kanina sa misa. Yung iba kasi nag sipag uwian na.

Okay lang naman. Hindi naman importante kung gaano kadaming tao ang magpunta. Ang mahalaga kumpleto yung mga taong nagmamahal sa kanya.

And speaking of taong nagmamahal sa kanya, si Earl hindi ko pa nga pala nakikita.

Nagpunta ba yun? Akala ko ba pupunta sya?.

Maya maya bigla kong narinig na nagsalita si Jam sa stage.

"Ladies and Gentlemen. May I have your attention please." sabi nya.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon