KAM'S POV
Haaaaysss natapos din yung shift ko.
Grabe nakakapagod talaga kapag sa Emergency ka naka station.
"Uuwi ka nab a Kam?" tanong ni Harry nang madaanan ko sya sa Nurse Station.
"Oo" sagot ko sa kanya.
"Wala ka bang gala ngayon?" –Harry
Gala talaga? As if naman lakwatsera ako di ba?
"Wala eh! Pinapagalitan na ako ng Kuya ko." –Ako
"Ahh okay! Ingat ka" –Harry
Paglabas ko ng ospital nag inat inat muna ako!
Okay! Uwian na... makakapag pahinga ako ng maaga.
Lalakad na sana ako papauntang gate ng mapansin kong may lalaking nakatingin sa akin.
Nakasandal sya sa kotse nya habang naklahawak yung mga kamay sa bulsa.
Bigla akong kinabahan.
Si Rex!
Oo! Si Rex nga! Kahit ako hindi ko inaasahang makikita ko sya dito.
Pero bakit sya andito? Naospital ba ulit si Ericka.
Lalapitan ko sana sya para magtanong kaso nagdadalawang isip ako.
Pero sa huli nilakasan ko nalang yung loob ko at nilapitan sya.
Bahala nang mapahiya.
"Hi!" bati ko sa kanya pag lapit ko.
"Hello!" tipid nyang sagot.
"Bakit andito ka? Naospital ba ulit si Ericka?" nag aalala kong tanong.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko yung tunay na lagay ni Ericka.
"Hindi.. may dinaan kasi ako dyan tapos hindi ko alam kung bat dito ako napadpad." Seryoso nyang sagot.
"Ahhh... okay..." –Ako
Saglit na nangibabaw sa amin yung katahimikan hanggang sa magsalita ulit sya.
"May lakad kaba ngayon?" tanong nya.
Bakit ba lahat ng tao tinatanong kung may lakad ako. Ganun na ba ako kalakwatsera?
"Wala naman. Uuwi n asana ako." –Ako
"Uhhmmmm pwede mo ba akong samahan saglit?" tanong nya habang nakayuko.
Hala sya! Saan ko naman to sasamahan?
Dapat sana nakakaramdam ako ng takot ngayon.
Hindi ko pa naman sya ganun ka kilala. Hindi ko pa din alam yung totoong ugali nya.
Baka mamaya kidnapper to o di kaya rapist.
Pero sa halip nay un yung maramdaman ko, excitement yung nangibabaw sa akin. Parang sabik akong makasama sya. Makakwentuhan, makilala pa ng mas mabuti.
"Haay naku Kamylle! Hindi ka ganyan pinalaki ng Daddy't Mommy mo!" sabi ko sa sarili ko.
Napansin nya yatang hindi agad ako sumagot kaya akala nya ayaw ko.
"Pero kung kailangan mo ng umuwi okay lang.. Next time na lang..." sabi nya sabay akmang papasok sa kotse.
Tampurorot naman agad to.
"Hindi... Okay lang.... Samahan kita" awat ko sa kanya.
Napangiti sya.
Ngiti? Marunong palang ngumiti to?
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...