KAMYLLE'S POV
Minsan may mga bagay talagang kahit hindi mo inaasahan bigla na lang dumarating.
May mga taong kahit hindi mo inaasahang makita, bigla na lang magpapakita.
Katulad ngayon... kaharap ko si Eryl Mhae Madrigal.
Ang taong nagbigay sakin ng pangalawang buhay.
Ang taong dahilan kung bakit ko naranasan ang mag mahal.
Pareho kaming naupo sa may brench. Palagay ko eto lang ang meron dito.
"Totoo ba to?" tanong ko.
"Ang alin?" -Eryl
"Eto..magkaharap tayo...magkausap...nagkikita... Para kasing imposible" -Ako
"Bakit mo naman nasabing imposible?" -Eryl
"Imposible kasi buhay ako dahil sayo..Nawala ka dahil sakin.. Kung buhay ka..Wala ako...Kung buhay ako..dapat wala..." -Ako
Tumawa sya.
"Hahaha...Tama ka..Hindi nga pwedeng pareho tayong buhay..Sabihin nalang natin na nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan. Nasa sayo kung anong pipiliin mo. Kung gugustuhin mo bang bumalik o aalis ka kasama ko. Ikaw ang magpapasya." sagot nya.
Tumahimik ako...
Nag isip...
Gusto ko pa nga bang bumalik at makaramdam ng sakit. O tuluyan ng tatapusin tong sakit na nararamdaman mo.
"Naguguluhan ka?" tanong nya.
"Gusto kong mabuhay para sa pamilya ko. Pero hindi ko kayang mabuhay araw araw sa sakit dala ng taong minahal ko." -Ako
"Si Rex ba?" -Eryl
Tumango ako sabay tingin sa kanya.
"Sorry ha.. "-Ako
"Sorry saan? Sorry kay Rex? Sorry kasi minahal mo yung lalaking minahal ko? Sorry kasi minahal ka din ng lalaking mahal ko?" -Eryl
Parang napaka simple lang sa kanya na sabihin yung mga yun. Parang balewala lang sa kanya na iisang lalaki lang yung minamahal namin.
Tumango lang ako.
"Lahat ng ito nakatadhanang mangyari. Hindi pa tayo ipinapanganak nakatadhana na yung paano tayo mawawala. Kung sino yung mga taong makikilala natin at kung sino yung taong mamahalin natin. Ikaw..Ako...At si Rex itinadhana tayong magkilalang tatlo para turuan ang isat isa. Ako para turuan si Rex kung paano magmahal..Ikaw para turuan sya kung paano bumangon..At sya para turaan tayo kung paanong wag sumuko. Kaya wala kang dapat ihingi ng sorry." nakangiti nyang sabi.
Hindi ako sumagot.
Ngayon nga ba talaga yun?
Itinadhana nga ba ang lahat o nagkataon lang?
"Pero paano kung talagang hindi ka nya kayang kalimutan? Paano kung talagang ikaw yung mahal nya at hindi ako?"
"Dumaan lang ako sa buhay ni Rex pero hindi ako itinadhanang manatili. Ikaw..ikaw yung itinadhana para makasama nya habang buhay. Instrumento lang ako para magkakilala kayo kaya wag mo syang susukuan."
"Pero hindi pa rin tayo sigurado kung mahal nga ba talaga nya ako."
"Tingan mo..yan ba ang taong hindi nagmamahal sayo?" sabi nya sabay turo sakin bagay na parang salamin.
Nagulat ako ng makita ko si Rex.
Umiiyak sya habang hawak hawak yung kamay ko.
"Please..Kam..Gumising kana..promise! Hinding hindi na kita sasaktan ulit.. Please..Pangako..Hinding hindi na ako magiging gago.. Mahal na mahal kita Kam..Wag mo kong iwan.." sabi nya habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomansaLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...