CHAPTER 47: STAR GAZER

1K 31 14
                                    

REX'S POV

"Pasensya na po talaga Sir bawal po talaga mag papasok ng walang visitor pass. Bumalik na lang po kayo bukas para maka hingi kayo ng visitor pass sa admin." sabi sakin nung gwardya.

Kanina pa kasi ako nag pupumilit na makapasok sa loob ang kaso wala akong visitor pass. Sarado na yung admin kaya hindi na ako makahingi ng pass.

Wala ako akong nagawa kundi ang bumalik sa kotse ko at mag hintay sa labas ng campus nila.

Andito nga pala ako sa labas ng St.Therese University. Eskwelahan kung saan nag aaral si Kamylle.

Hindi ko kasi matanggap yung sinabi nya sa akin nung huli kaming nag kita. Kailangan kong maliwanagan kung bakit hindi kami pwedeng maging malapit sa isat isa.

Flashback

Ilang linggo nang hindi nagpaparamdam sakin si Kamylle. 

Ni hindi sya nag tetext o nag memessage o dumadalaw man lang. Kahit sa coffe shop nila Nat hindi sya nag pupunta. Kaya naman nag umpisa na akong mabahala.

Sinusubukan ko syang tawagan pero halata namang umiiwas sya sakin. Hindi ko lang alam kung ganun din sya sa iba.

Nang ibigay sakin ni Nat yung addresa nya pinilit kong wag syang puntahan. Gusto ko kasing mag focus muna sa death anniversarry ni Eryl bago ko ayusin yung sa amin.

Kaso kahit anong gawin kong pigil sa sarili ko hindi ko magawa. Gustong gusto ko na syang maka usap o makita man lamang. Kaya naman sinubukan kong puntahan sya.

Hindi ko sigurado kung paano ko sya haharapin sa bahay nila pero bahala na nga.

Nang malapit na ako sa gate nila may nakita akong babaeng naka nurse uniform. Sigurado akong si Kamylle yun.

Agad akong bumusina para mapansin nya ko.At tama nga ako si Kamylle yung babae.

Halata sa mukha nyang nagulat sya ng makita nya ako. Luminga linga pa sya sa paligid bago lumapit sakin.

Nang nasa tapat ko na sya wala sa muna sa amin ang nag salita. Nagtinginan lang kami.

"Kamusta..." bati ko sa kanya. 

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sakin.

"Sorry...Nagulat yata kita...Busy ka ba? Pwede ba tayo mag usap?" tanong ko sa kanya.

Wala syang reaksyon. 

Sumakay sya sa kotse ko kaya naman na gets ko na gusto nyang umalis kami doon.

Agad akong sumakay at pinaandar yun. Nag hanap ako ng coffee shop kung saan pwede kaming mag usap. Pero bigla syang nag salita.

"Pwede bang dito nalang tayo mag usap?" tanong nya.

Nagtaka ako. Ayaw nya bang may ibang taong makakitang magkasama kami?

"Ahh.. Okay lang naman." sagot ko.

"Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?" tanong nya.

"Ahhh kwan.. Ano.. Ang totoo ipinag tanong ko sa ospital. Ayaw nga sana nilang sabihin kaso kinulit ko sila." sabi ko.

Hindi ko sinabing si Nat yung nagbigay sakin. Baka kasi magalit sya kay Nat.

"Ahhh... Bakit ka nga pala andito?" 

"Ahhh Ano kasi... Kwan... Gusto lang sana kitang kamustahin. Hindi kana kasi nag paparamdam sa shop. Pati na rin sa restaurant. Kinakamusta ka nga din pala nung iba." sagot ko.

Putcha bakit ako nauutal.

"Pasensya na.Medyo busy kasi sa school. Daminh projects.. Thesis... Reports.."sabi nya habang naka upo.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon