KAM'S POV
Hanggang pag uwi ko ng bahay hindi pa rin mawala yung ngiti sa mga labi ko.
Hindi ako makapaniwala na si Rexel yung naghatid sa akin.
Ewan ko ba, pero iba yung pakiramdam ko kapag kasama ko sya.
Parang ang saya saya ng puso kko. Siguro dahil nakikilala sya nito.
Pero hindi lang naman si Rexel yung nagpapasaya sa akin.
Syempre masaya rin ako kasi nagiging kaibigan ko na yung mga dating kaibigan ni Eryl.
Hindi man sila lahat, pero at least karamihan sa kanila nakakausap ko.
Oo! Hindi lahat.
Napapansin ko kasing ayaw sa akin ni Ericka.
Simula nung magpunta ako sa shop nila, ni minsan hindi pa nya ako kinausap.
Hindi ko alam kung bakit, pero baka dala lang yun ng sakit nya.
Pero kahit ganun pa man, kakaibigan ko pa rin sya.
Alam ko namang mabait syang tao kaya sooner or later makukuha ko rin yung loob nya.
Pagkatapos ko magbihis ng pantulog, humiga ako sa kama ko.
Unti unti ko nang nalalaman yung mga sagot sa mga tanong ko.
Konti nalang lubos ko ng makikilala yung taong nagbigay sa akin ng pangalawang buhay,
Pero magagawa ko lang yun kung makikilala ko yung pamilya nya.
Kahit mag iisang buwan ko ng nakakausap sila Natalie wala pa rin akong alam tungkol sa pamilya ni Eryl.
Nahihiya naman akong magtanong kasi baka magtaka sila kung bakit interesado ako sa buhay ni Eryl.
Pero curious lang ako, nasaan na kaya yung pamilya ni Eryl? Siguro kasing ganda nya yung Mommy nya? Tapos kasing bait naman nya yung Daddy nya. May mga Kuya din kaya sya? Ate? O di kaya nakababatang kapatid?. Saan kaya sila nakatira ngayon? Malamang hindi dito sa Pilipinas, kasi never ko pang naabutan na may ibang dumadalaw kay Eryl maliban kay Rex.
Sana bigyan din ako ng pagkakataon ni Lord na ma meet sila kahit isang bese lang. Makapag pasalamat man lang ako sa binigay nila sa akin.
Kinabukasan pag gising ko naabutan kong nag aalmusal na sila Mommy.
"Oh Kamylle tamang tama almusal na." sabi ni Mom.
Umupo naman ako sa pwesto ko.
Napansin kong kulang kami. Wala yung kambal tsaka si Kuya Gab.
"Asan sila Kuya Ma?" tanong ko.
Hindi kasi ako sanay na nagaalmusal ng hindi kami kumpleto.
"Naku maagang umalis. May kikitain daw silang kliyente kaya maagang nagpunta sa shop nila. Si Gabriel may meeting daw kaya maagaa ding umalis." Sagot ni Mom.
"Saan ka galing kagabi?" biglang tanong ni Kuya Migs.
Hindi naman ako late umuwi ah. Medyo ginabi nga lang ng konti.
"Ahh niyaya kasi ako ng mga kaibigan ko sa coffe shop." Sagot ko.
"Mukhang napapadalas yang paglabas labas mo ah! Sino ba yang mga kaibigan nay an?" –Kuya Migs.
Patay na! Anong isasagot ko? Hindi naman nila pwedeng malaman na alam ko na yung sino yung nag donate sa puso sa akin at masa lalong hindi nila pwedeng malaman na kaibigan ko yung mga kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...