CHAPTER 77: WEDDING DAY

478 11 4
                                    

Kam's POV

Gising na Princess! dinig kong sabi ni Mama. Marahan nyang hinahaplos yung buhok ko. Gustuhin ko mang imulat yung mga mata ko, pero kusa itong pumipikit. Siguro dahil sa sobrang antok.

Bakit nga ba ako napuyat kagabi? Tsaka bakit nasa kwarto ko si Mama? Hindi ko ba nailock yung pinto?

"Hayaan mo muna sya matulog, Mahal. Màaga pa naman."

Boses ni Daddy yun ah! Bakit sila nasa kwarto ko? Anong nangyayari?

"Ano? gigising pa ba yan? Sabihin ko na ba hindi na tuloy yung kasal?"

Oh! Ngayon naman boses ni Kuya Adex.

Wait! Kasal! Biglang napadilat yung mata ko nung nang sink in sa utak ko yung salitang kasal.

"Ma! Anong oras na?" tanong ko sabay balikwas ko ng bangon.

Wala nga pala ako sa kwarto ko. Nasa kwarto ako nila Mommy at Daddy. Dito ako natulog kagabi kasama sila Kuya.

Flashback

"Di ba ang sabi sa pamahiin bawal daw magkita ang ikakasal bago yung araw ng kasal nila." sabi samin ni Brent habang kumakain ng meryende sa cafe.

"Pamahiin lang yun. Kapag hindi natuloy ang kasal, ibig sabihin hindi kayo para sa isa't isa

As simple as that. Kung ano ano pang kasabihan ang sisisihin mo." sagot ni Third.

Natawa nalang ako.

"Teka! Saan ba kayong dalawa galing? Kasal nyo ba bukas lakwatsa pa rin kayo ng lakwatsa" sita sa amin ni Nat.

"Doon sailipatan naming bahay. Dumating kasi yung mga furniture na inorder namin. Inayos lang namin para bukas ready na." sagot ko.

"Sus! Ang daming oras para gawin nyo yan pagkatapos ng kasal. Dapat ngayon nagpapahinga kayo. Kasi sigurado bukas mapapagod kayo." sabi ni Nat.

Pagka ubos namin nung strawberry cheesecake na kinakain namin, nagyaya na rin umuwi si Rex. Malamang napagod sya sa kabubuhat nung mga furniture na dumating. Sabi ko iutos nalang namin sa iba, pero ayaw nya. Masyadong hands on ang magiging mister ko.

"Tomorrow is the day. Ready ka na ba?" tanong nya sakin.

"Oo naman. Bakit? Iniisip mo bang aatras ako sa kasal natin?" tanong ko.

Hindi sya lumingon. Nasa kalsada pa rin yung mga mata nya pero hinawakan nya yung kamay ko tsaka hinalikan.

"Nope! I'm pretty sure darating ka. Ang swerte mo kaya at ako ang mapapangasawa mo. Gwapo...macho...mabait...at higit sa lahat, mahal na mahal ka" sagot nya.

Napangiti nalang ko.

Well, tama yung sinabi nya. Totoo naman lahat ng yun kaya there's no reason para gustuhin kong mag back out.

"Love, puntahan natin sya" bigla kong sabi.

Napatingin sya sakin. Alam kong alam nya kung sino yung tinutukoy ko.

"Sige!" maikli nyang sabi bago i uturn yung kotse.

Ilang sandali lang nasa labas na kami ng sementeryo. Nauna akong lumabas kasi mag papark pa sya ng kotse.

Pumunta ako sa bilihan ng mga bulaklak pati na kandila.

Paalis na ako ng may mapansin akong jar ng gummy bear.

"Manong for sale po ba yan?" tanong ko kay Manong.

"Ai oo Hija. Medyo matagal na nga yan dyan. Hindi na kasi nabalik yung suki ko dyan eh." sagot nung matanda.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon