CHAPTER 19: WHEN THEY MEET AGAIN

1.3K 36 3
                                    

Natalie's Pov

"Congratulation Mr. and Mrs. Samonte! You're 3 weeks pregnant." Sabi ni Dra. Rosales.

Nakita kong lumiwanag yung mukha ni Jam.

"Yes!!! CONFIRMED NGA! MAGIGING DADDY NA AKO!" halos pasigaw na sabi ni Jam.

Well may hinala na naman talaga akong buntis ako kaso wala lang akong panahon kunpirmahin. Wala pa nga sana akong balak mag Pregnancy Test kaso si Manang talaga yung mapilit. Ilang araw nya na din kasi akong nakikitang matamlay sa umaga. Kung minsan naabutan din nya akong nagsusuka.

At first inisip ko baka pagod lang ako or what, pero nung narealized ko na delayed yung period ko, doon na ako naghinalang baka buntis nga ako.

"Hindi naman masyadong masenlan yung pagbubuntis mo pero kailangan mo pa rin mag ingat. At kailangan mong inumin tong mga vitamins na to para siguradong healthy ka at si Baby."
sabi ni Dra. Rosales sabay abot ng papel.

"Yes Dra. Susundin po namin lahat ng bilin nyo." Sagot ko naman.

"Okay at anytime kapag may naramdaman kang hindi maganda or hindi normal just let me know. Andyan naman yung contact number ko tawagan mo lang ako anytime." Sabi nya. Tumango naman kami ni Jam.

Paglabas namin ng opisina nya hindi pa rin maalis yung ngiti sa mga labi ni Jam. Sobrang saya talaga nya.

"Finally Hon matutupad na yung pangarap kong maging Daddy! Ano kayang Baby natin? Sana Boy para magiging junior ko sya." Sabi nya habang nakangiti.

Hindi naman ako sumasagot. Hinahayaan ko lang syang mag imagine.

"Hon gusto kong pangalan ni Baby James Nataniel Samonte Jr. O diba ang ganda." –Jam.

"Paano pag babae?" tanong ko sa kanya.

"Jamie Natasha Samonte" mabilis nyang sagot.

Natawa naman ako. Hindi pa kami kasal matagal na nyang napagisipan yung ipapangalan nya kapag nag kaanak ako. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may mga pangalan na syang naisip.

"Ganito pala yung feeling noh? Kapag magiging tatay ka na. Nakaka excite. Pakiramdam ko ako yung nagdadalang tao." Sabi nya habang naglalakad kami sa hallway.

"Simula ngayon Hon hindi kana pwedeng magpagod. Hindi ka na din pwedeng ma stress at higit sa lahat hindi kana pwedeng malungkot." Sabi nya habang mahigpit na hawak yung kamay ko.

Clingy nito!

"Pwede ba naman yun? Kahit na buntis ako kailangan ko pa din gawin yung mga normal kong ginagawa. Hindi naman pwedeng titigil na lang ako sa trabaho," sabi ko sa kanya. Nararamdaman ko kasing hindi na nya ako papapuntahin sa coffe shop.

"Oo nga Hon, kaso lang baka naman kasi mapagod ka. Or ma stress ka lang doon kaya mas okay na nasa bahay ka na lang." –Jam.

"Hon mas ma stre-stress ako kapag nasa bahay lang ako. Tsaka alam mo na yung lagay ni Ericka di ba? Hindi ko sya pwedeng iwanan mag isa doon." –Ako

Natigilan sya at mukhang nag iisip.

"Okay sige! Sa isang kondisyon! Mas maaga ka ng uuwi at hindi kana masyadong magpapagod. Hindi na rin ikaw yung maggrogrocery o magi inventory ng stocks nyo." –Jam.

"Okay, pwede ko naman iutos kay Kian yun. Tsaka balak ko na ring mag hire ng isa pang crew para ma bawasan yung trabaho namin ni Ericka. Para ang gagawin ko na lang eh mag supervise sa kanila.

Habang napapalabas nakita kong papalabas din si Kamylle kaya agad ko syang tinawag.

"Kamylle!" tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumingon at ngumiti ng makita kami.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon