CHAPTER 43: DEALING WITH THE BROKEN DEMON

1.1K 36 10
                                    

Dedicated po tong chapter na to para dun sa mga nag hintay ng update.

Thank you guy for reading... for voting...and waiting....

========================================================================

EARL'S POV

"Kamusta Fred? Anong balita dyan?" tanong ko kay Fred habang kausap sya sa cellphone.

"Ayos naman Boss. Wala naming kahina hinala. School at bahay lang yung pinupuntahan nya. Paminsan minsan dumadaan sya sa mall pero sa National Book Store lang sya napunta." Sagot ni Fred.

"Okay! Mabuti naman kung ganu. Basta balitaan mo ko kung may pagbabago." Utos ko sa kanya.

Pagkatapos ko makipag usap kay Fred, binato ko yung cellphone ko sa kama ko sabay higa.

Mahigit isang lingo na rin simula nung magkita kami nung babaeng yun.

So far mukhang marunong naman syang tumupad sa napag kasunduan.

Dapat lang no! dahil kung hindi makikita nya kung anong kayang gawin ng isang Earl Aaron Madrigal.

Sa totoo lang wala naman talaga akong balak kausapin yung babeng yun. At mas lalong wala akong balak makipag negosasyon sa kanya.

Kung hindi lang malakas makunsensya si Butler Josh, ni kausapin hinding hindi kop ag aaksayahan yung babaeng yun.

Flashback

"Master Earl, nasa labas po ng gate si Ms. Kamylle." Sabi ni Butler Josh.

"Oh ano ngayon? Lagi naman talagang nasa labas ng gate yang babaeng yan. Hayaan mo sya aalis din yan kapag napagod sya." Sagot ko.

Kasalukuyan kong binabasa yung mga papeles na iniwan ni Martin kaya ayaw kong maistorbo.

"Hindi nyo po ba sya kakausapin, Master Earl?" tanong ni Butler Josh.

"Bigyan mo ko nang magandang dahilan para kausapin ko sya. Kung wala kang maiibigay mabuti pa paalisin mo na sya dyan."

Hindi sumagot si Butler Josh pero nakatayo pa rin sya sa tabi ko.

Dahil naalibadbaran ako sa kanya, tumayo ako at nag punta sa monitoring room.

Napansin kong nakasunod si Butler Josh sa akin.

Tiningnan ko yung CCTV sa labas ng gate.

Nakita ko nga syang nakatayo sa labas kausap yung guard.

Kinuha yung radyo at inutusan yung guard.

"Melvin pumasok ka na at isara mo yung gate" mariin kong sabi.

Agad naming sumunod yung Guard.

Pagkasara nya ng gate naiwanan syang mag isa.

Umupo sya sa gilid ng gate.

Umalis na rin ako sa monitoring room. Iniwan ko si Butler Josh na katayo habang tinitingnan yung monitor.

Pumasok ako sa kwarto at nag bukas ng laptop.

Binabasa ko yung pinadalang files ni Mr. Lim.

Pero kahit anong gawin ko hindi ako makapag focus.

Naiisip ko yung babaeng yun.

Dalawang oras na ang lumipas, siguro naman naka alis na yung sya sa labas ng gate.

Para makumpirma, bumalik ako sa, monitoring room.

Nagulat ako ng maabutan ko si Butler Josh na nasa loob.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon