CHAPTER 42: TUG OF WAR

1.5K 30 39
                                    

Rex's Pov

"Guys napansin nyo ba parang mag iisang linggo nang hindi napapadaan si Kamylle dito." sabi ni Brix habang nag memeryenda kami sa dito sa coffe shop nila.

"Oo nga eh pansin ko din. Ano kayang pinagkaka abalahan ng isang yun?" -Brent.

"Baka naman busy sa school." sagot ni Ericka sabay subo ng piatos.

"Baka naman kasi iba na yung tinatambayan." sabi ni Natalie sabay tingin sakin ng makahulugan.

Nagtinginan din sakin yung iba.

Na gets ko naman yung ibig nilang sabihin.

"Hindi ah! hindi nga napapadaan sa resto yun eh..."-Ako

Ang totoo nyan kaya ako andito kasi nagbabakasakali akong andito sya.

May isang linggo na kasi kaming hindi nag kikita.

Sinusubukan ko naman syang tawagan. Kung minsan sinasagot nya, kung minsan naman hindi.

Nung huli kaming nagusap sabi nya busy lang daw sya sa school. Pero feeling ko hindi yun totoo.

Feeling ko may iba pa syang pinagkaka abalahan maliban dun.

"Dalawin kaya natin sa kanila?"-Brix

"Alam mo ba yung bahay nila?" -Brent.

Tiningnan ko si Brix

"Ai hindi nga pala....eh sa ospital kaya.."-Brix

Kay Ivan naman ako tumingin.

"Tapos na yung Ojt nya kaya wala ng kuneksyon yung ospital namin sa kanya." malamig nyang Ivan.

"Baka naman busy lang talaga sya sa school guys..hayaan nyo muna.Remember studyante si Kamylle kaya hindi sya free anytime. Sabi nya sakin last time may importante lang daw syang aayusin. Pupunta din yun kapag di na sya busy"-Nat

Ganun nga kaya yun?

Busy lang ba talaga sya sa school kaya hindi sya nagpaparamdam?

Sana nga Oo....

Hindi ko maintindihan yung feeling pero simula nung hindi ko sya nakikita parang namimiss ko sya.

Parang gusto ko syang puntahan para makita.

Gusto ko syang kausapin.

Namimiss ko yung ngiti nya...

Yung tawa nya....

Yung nga kwento nya....

"Shit! I'm falling in love with her" mahina kong sabi sa sarili ko.

"Ano yun Rex?" tanong ni Brix.

Narinig pa yata ako

"Wala...may na alala lang ako."

"Death anniversarry ba ni Eryl yan naalala mo Rex?" singit ni Ivan.

Bigla akong natigilan.

Hala! Oo nga pala.... mag dedeath anniversarry na si Eryl.

Ngayon ko lang narealize. Nitong mga nakaraang araw masyadong natuon yung pansin ko kay Kamylle at sa resto.

Hindi ko namalayan hindi ko na pala nadadalaw si Eryl.

Pati yung death anniversarry nya nakalimutan ko na rin.

"Oo nga noh... 5th death anniversarry na ni Eryl next month..."-Brix

Walang sabi sabi bigla akong lumabas ng shop.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon