CHAPTER 6: HER IDENTITY

1.7K 36 3
                                    

ERICKA'S POV

Pagdilat ng mga mata ko kulay puti agad yung bumungad sa akin. Nasa ospital ako. Medyo matagal na panahon na rin simula nung huli akong bumisita sa lugar na to.

"Babe!!"

Pag lingon ko nakita ko si Brent. Mugtong mugto yung mga mata nya. Hagard yung mukha at mukhang wala pang ligo. May mga maliliit na bigote na rin na tumutubo sa may bibig nya.

"Hala Babe! Anong nangyari sayo! Bakit nag mukha kang ermitanyo?' tanong ko. Nagtawanan naman yung iba pang nasa kwarto. Doon ko lang napansin na andun pala halos lahat sila.

"Paanong hindi magiging mukhang ermitanyo yan. 2 araw kang naka confine dalawang araw din syang andito. Walang uwi uiw, walang ligo-ligo." Sabat ni Ivan.

"Di nga Hon?" tanong ko sa kanya.

"Grabe! Naliligo naman ako dyan! Tsaka nagpadala ako kay Erick ng mga damit no!" sagot nya habang nakatingin kay Ivan.

"Eh bat ganyan yung mukha mo?" tanong ko.

"Eh kasi tinakot mo ako eh.. 2 araw na ulog ka pa rin." Sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Eh ganyan talaga ang bun...."Hindi na natuloy ni Ivan yung sasabihin nya kasi hinablot sya ni Jam at pinagdadaganan sya ni Brix at ni Jam.

"Yung ano daw?" naguguluhan kong tanong.

"Wala Ricks. Ang ibig sabihin ni Ivan baka pagod ka lang kaya ganun. Wag ka kasing magpapagod." Sabi ni Third.

"Ah? Okey.." –Ako. Ang weird nila ha.

"Oo nga! Bawal mapagod ang bun..." si Ivan ulit pero hindi na naman nya natapos yung sasabihin nya kasi tinakpan ni Brix yung bibig nya.

"Utang na loob Brix! Ilabas mo yang kaibigan mo bago pa mag init yung ulo ko. Yan ang susunod na ma coconfine dito sinasabi ko sayo." Sabi ni Jam.

Nagmamadali namang hinila ni Brix si Ivan palabas. Anong nangyayri?

Hindi ko sila ma gets. Pati rin si Brent nagtataka.

"Ahh.. basta Babe! Wag mo na uulitin yun ha! Kapag hindi maganda yung pakiramdam mo magsabi ka agad. Wag mong pilitin yung sarili mo para hindi ka magkasakit." Sabi ni Brent habang naka hilig yung ulo nya sa may tyan ko.

Ang sweet talaga ng Babe ko. Kaya hindi talaga ako nagkamaling ipaglaban sya kay Kuya Enrico kasi alam kong hinding hindi nya ko sasaktan.

Ang kaso.. sya naman yung sasaktan ko.

Pero hindi ko muna dapat isipin yun. Alam ko may paraan pa. Nasolusyunan ko to noon. Masusulusyunan ko rin to ngayon.

Ako nga pala si Ericka Jane Salazar – Salcedo to be. Girlfriend ni Brent. Ai fiancée pala kasi next year ikakasal na kami. Akalain mo yun noh? Dati parang aso't pusa lang kami ngayon magpapakasal na kami.

Nasa ganun kaming posisyon ng biglang pumasok yung nurse.

"Gising na po pala kayo Maam. Buti naman po at maayos na yung pakiramdam nyo." Sabi nya sa akin.

"Thank you. Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko sa Nurse.

"Kausap pa po ni Dr. Rosario yung ate nyo. Hintayin nyo nalang po yung advise nung doctor." Sabi nya.

"Ah ok sige." –Ako

"Wala na po bang masakit sa inyo Maan? Yung tyan nyo po? Hindi po ba mahapdi? Or masakit?" tanong nung nurse.

OH My God! Hindi kaya alam na nila. Kinabahan ako. Andito pa naman halos lahat ng kaibigan ko.

"Ahh No.. I'm perfectly fine!" sabi ko.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon