Kam's POV
Isang buwan bago ang kasal namin ni Rex, nagkaayos din si Ivan at Brix. Wala akong idea kung anong nangyari basta ang sabi ni Rex bigla nalang naging okey lahat. Yun din yung sagot sakin ni Nat at Ericka nung tinanong ko sila. Sabi nila ganun din daw yung nangyari kina Jam at Rex noon. Bigla nalang din silang nag kaayos. Well, siguro na nga mas matibay yung pagkaka ibigan nila kesa sa kahit anong away ang dumating. Si Angel hindi na nagpakita pagkatapos nya lumabas sa ospital. Nagtetext naman sya tsaka tumatawag pero bihira na namin sya makita. Hindi namin alam kung nagkikita o nagkaka usap ba sila ni Brix pero malakas yung feeling ko na oo. Nangako naman sya na pupunta sa araw ng kasal ko bilang isa sya sa maid of honor ko.
"Love, baka masyado mo nang pinapagod yan sarili mo. May 1 month pa tayo para tapusin yung preparation. " paalala sakin ni Rex sabay yakap sa likod ko.
Andito kami ngayon sa bahay. Maaga nya akong dinaanan kasi may pupuntahan daw kaming dalawa.
"Okey lang ako, Love. Tsaka yun nga eh, isang buwan nalang kasal na natin. Kaya I want everything to be perfect. dapat lahat ng bagay in place sa araw na yun kasi ayoko kong magkaroon ng aberya yung pinaka espesyal na araw natin." sagot ko.
"Alam mo Love, hindi mo na dapat inaalala yang mga bagay na yan. Kahit ano pang imperfection ang mangyari sa wedding day natin, it will never change the fact na yun yung pinaka perfect na araw para sa atin." sagot nya.
"Hmmm.. Kaya naman love na love kita eh!!" sabi ko sabay ikot paharap sa kanya. Ngumiti sya tsaka hinalikan yung noo ko.
Maya maya biglang nag ring yung phone nya.
"Wait lang Love ha! Sagutin ko lang to." sabi nya.
Tumango lang ako. Pagkatapos nun lumabas muna sya sandali.
Paglabas ni Rex, saktong dumating si Kuya Gab.
"Mukhang sobrang busy mo Sis ah! Hinay hinay ka lang ha. Baka mamaya ma stress ka nyan. " bungad nya sakin.
"Don't worry Kuya. Okey lang ako. Tsaka isang beses lang ako ikakasal kaya I want everthing to be perfect. " sagot ko sa kanya.
"Pero kakagaling nyo lang sa pre-nup kahapon. Baka pwedeng magpaginga ka muna ngayon." sabi ni Kuya Gab.
"We don't have much time, Kuya. Tsaka don't worry, I'm fine. Okey lang ako. At mas okey na okey yung puso ko.
Sasagot pa sana si Kuya kaso dumating si Rex.
"Love, tara na! " yaya nya sakin.
"Ha? Ngayon na? Wait magbibihis lang ako. "-Ako
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...