CHAPTER 15: NEW GIRL

1.4K 34 1
                                    

KAMYLLE'S POV

"Hi Sorry for the long wait. Eto na yung cake mo."

Naggulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. At mas nagulat ako ng malaman ko kung sino.

Si Natalie. Sya mismo yung nag abot ng cake. Malamang namukhaan nya ako.

"Ahh.. Hello... Ok lang.. worth it naman yung paghihintay." Sagot ko.

Worth it talaga dahil atleast nakita ko kayo.

"I'm Natalie. Isa ako sa may ari ng shop na to. Ikaw yung nurse sa Monteverde Medicals di ba? Ano nga ulit yung pangalan mo?" tanong ya,

So tama nga yung hinala ko. Natatandaan nya nga ako.

At yes kilala kita dahil isa ka talaga sa mga dahilan ng pag punta ko dito.

"Ahh..Yes.. nurse nga po ako doon. At natatandaan ko po kayo. Ako po si Kamylle Mendoza. Kams nalang po." Sagot ko sabay abot ng kamay ko.

Malungod naman nyang tinanggap yung pakikipag kamay ko.

"Ahh nice. Buti naman at napadpad ka dito." Sabi nya sakin.

Hindi ako napadpad, sinadya ko talaga to.

"Ahh may pinuntahan lang po ako dyan sa malapit. Tapos nagutom ako kaya dumaan ako dito para kumain. Hindi ko alam masarap pala yung strawberry short cake nyo dito." Pag sisinungaling ko.

Well hindi naman lahat, yung masarap na cake totoo yun.

"Buti naman at nagustuhan mo. Si Ericka mismo yung nag bake nyan." Sabi nya.

Ngumiti naman ako.

Maya maya nakita kong papalapit si Ivan at Brix kasunod nila si Ericka.

"Hi Nat may problema ba?" tanong nung Brix.

"Ahh wala. Guys si Kamylle nga pala. Nurse sya sa Monteverde Medical. Sya yung nag assist kay Ericka." Pakilala nya.

"Ahh oo natatandaan kita. Ikaw yung nasigawan ni Brent di ba?" sabi nung Brix.

Naku pasensyahan mo na yun. Minsan kasi Paranoid yun.

Tumawa naman ako.

"Ako nga pala si Brix, At eto yung may ari ng ospital nyong masiba si Ivan Monteverde." Sabi nya.

"Anong masiba? Alis nga dyan wala kang kwenta magpakilala." Sabi nya sabay tabig kay Brix.

"Hi Beautiful. I'm Ivan Monterverde at your service. Ako yung may ari ng Monteverde Medical kaya kung ayaw mong matanggal kailangan mong makipa date sa akin bukas." Sabi nya.

Nagulat ako sa pero hindi ako naniwala. Alam ko naman kasing joke lang yun.

"Sira ulo ka talaga! Kabago bagong kakilala tinatakot mo. Lumayo ka nga dyan." Sabi ni Brix sabay tabig din sa kanya kagaya ng ginawa nya.

"Wag ka maniwala sa kanya. Maluwag lang turnilyo nya. Kapag tinanggal ka nya ipagkalat mong masiba sya." Sabi naman ni Brix.

Natawa tuloy ako.

Napansin kong hindi masyadong lumapit sa akin si Ericka at medyo masama rin yung tingin nya. Bakit kaya?

"Ahh mauuna na ako ha? May pupuntahan pa kasi ako." paalam ko sa kanila.

"Sayang naman, aalis ka na agad?" sabi ni Brix.

"Oo nga! Di bale balik ka lang dito anytime ha! Sagot lahat ng gusto mo." Sabi ni Ivan.

Binatukan naman sya ni Nat.

"Sagot mo eh hindi ka nga nagbabayad." Sabi nya.

Lalabas na sana ako ng biglang bumuhos yung ulan.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon