CHAPTER 35: REALIZATION

1.2K 27 0
                                    

REX'S POV

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Earl.

Hindi kami halos makapaniwala na magagawa nya yun.

Ni sa katiting hindi namin sya pinag hinalaan.

"Lokong yun!!! Lakas ng trip!!! Pinakaba tayo ng sobra" Sabi ni Brix.

"Hayaan nyo na..ang importante naili6tas si Ericka." -Rex

"Sabagay...." -Brix

"Teka..kung sya may pakana nito, sya din kaya yung nakita ni Rex sa puntod ni Eryl?" tanong ni Ivan.

Shit Oo nga! Hindi ko nakumpirma kay Earl na  kung sya nga ba yung may gawa nung sa puntod ni Eryl. Pero sigurado ako na hindi sya yung lalaking nakita ko sa sementeryo.

Itatanong ko nalang sa susunod na magkita kami.

Ang mahalaga ngayon tapos na rin yung problema ni Brent.

Napalingon kami lahat ng biglang may kumatok sa pinto.

Si Ivan ang nag bukas.

"Nat..."sabi nya.

Pumasok si Natalie kasunod si Kamylle.

Nagkatinginan kami ni Kamylle.

Simula nung umuwi kami galing ng Batanggas  ngayon lang ulit kami nagkita.

"How is she?" Tanong ni Nat ng lapitan nya si Ericka.

"Okay na daw sya. Pwede na sya magising any time." Sagot ni Brent.

"I'm sorry Guys kung hindi ko sinabi sa inyo na si Earl ang may pakana nito. Nakiusap kasi syang wag sabihin."-Nat

"Ayos lang yun Nat. Hindi na mahalaga sakin yun. Ang importante sakin maayos na si Ericka. Isa may natutuhan din ako sa nangyari. Hindi ko pala kayang mawala si Ericka. Handa ko palang isugal  ang lahat para sa kanya." sabi ni Brent.

"Nasaan na si Earl?" tanong ni Nat

"Umalis na. Sayang hindi nyo sya naabutan. Kaalis lang nya. Sana nagpang abot kayo para nakilala sya ni Kam."  sabi ni Jam.

"Okay lang yun. Baka hindi pa eto yung tamang panahon para magkita kami." Sagot ni Kam

Napansin kong biglang tumalim yung titig ni Ivan kay Kam.

Dahil sa nangyari kay Ericka hindi pa rin namin alam kung anong nangyayari kay Ivan.

"Rex..sorry sa mga sinabi ko kanina. Magulo lang yung isip ko." hingi nya ng tawad sakin.

"Wala yun Brent. Maiintindihan kita."sagot ko.

"Sa wakas tapos na! Tuloy na ang pag bebestman ko!!!" -Brix

"Hindi pa rin. Si Erick! Hindi pa rin sya pabor sa relasyon namin ni Ericka. Kahit na sabihin pang magaling na si Ericka wala pa rin kasiguraduhan na sasang ayon na sya sa kasal namin."-Brent.

"Mali ka dyan." Singit ni Dr.Claude.

Mukhang kanina pa sya nakikinig sa usapan namin.

"Anong mali?" tanong ko.

"Yung Kuya nya..papayag na syang magpakasal kayo ni Ericka."Dr.Claude.

"Huh? Bakit mo alam? Paano mo nasabi?" tanong ni Brent.

"Alam nyo may isang bagay na pagkakatulad sina Earl..Eryl...at Eros...yun ay ang pagiging mautak. Kung inaakala nyo na kayo lang ang nabiktima ni Earl sa kalokohan nya nagkakamali kayo." Dadag ni Dr. Claude

"Anong ibig mong sabihin?" Sabay na tanong ni Brent at Brix

"Wag mong sabihing ginawa ulit nya yung ginawa ni Eryl noon?"- Nat

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon