Rex's Pov
Habang lahat sila abala kay Natalie at sa bagong Baby pasimple akong lumabas ng kwarto para silipin si Kam.
Balak ko na talagang dumiretcho dito pag katapos ng libing para dalawin si Kamylle. Mula kasi nung namatay si Lolo Andrew, hindi na ako nakadalaw sa kanya.
Gusto ko man syang puntahan, hindi ako maka alis bilang respeto na din kina Tita Esme.
Buti nalang at dito din sa Madrigal Medical dinala si Natalie kaya naman masisilip ko si Kam.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto nya, huminga muna ako ng malalim bago kumatok, pero bigla akong natigilan nang mapansin kong iba na yung pangalan naka sulat sa pinto.
Queen Altamirano?
Private room to kaya imposibleng dalawang silang pasyente sa loob. Imposible ding ilipat sya ng kwarto.
Bigla akong kinabahan.
Nasaan sya?
Agad kong hinarang yung unang nurse na nakasalubong ko.
"Ms. Asan na yung dating pasyente sa kwartong yun?" tanong ko sabay turo ng kawarto ni Kamylle.
"Ahh si Ms. Mendoza po? Na discharged na po sya kahapon." sabi nung nurse.
Ha? nadischarged na sya? Ibig sabihin gising na sya? Buhay sya..
Bigla akong napangiti. Pakiramdam ko nabunutan ako ng isang daang tinik sa dibdib.
"Salamat Nurse." -Ako
Bigla akong nasabik na makita si Kam kaya agad akong lumabas ng ospital. Ang kaso nang nasa labas na ako naalala kong wala nga pala akong dalang kotse. Naki ride lang ako kay Third.
Pero di bale mag tataxi nalang siguro ako.
Papara na sana ako ng taxi ng biglang sumulpot yung kotse ni Third sa harap ko.
"May lakad ka pa?" bungad nya sakin.
"Oo..Nakalabas na si Kamylle. Pupuntahan ko sana." sagot ko.
Bumaba sya tsaka inabot sakin yung susi. Tapos lumipat sya sa driver's seat.
Agad akong sumakay sa kotse tsaka mabilis na pinaandar.
"Balak mo syang puntahan, ibig bang sabihin nun ayos na kayo ng mga kapatid nya?" tanong ni Third.
"Malalaman natin yan mamaya." sagot ko.
Hindi na sya ulit nagtanong.
Sana lang hayaan nila akong maka usap si Kamylle. Kahit ngayon lang.
Pag dating namin sa bahay, hindi agad ako ako lumabas ng kotse.
Nag ipon muna ako nang lakas nang loob para mag doorbell.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Third.
"Wag na..Ayos lang ako." sabi ko sabay baba.
Sa kabilang kalsada ko pinark yung kotse kaya kailangan ko maglakad nang kaunti.
Nang nasa tapat na ako ng gate nila, huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot yung doorbell.
Nung una walang lumabas kaya nag doorbell ulit ako.
"Sandali lang..." boses ni Gab. Bumalik na yung normal nyang boses.
"Rex!! anong ginagawa mo dito?" pabulong nyang sabi nang pagbukas nya ng gate ako yung bumungad sa kanya.
"Nabalitaan ko kasing naka labas na si Kamylle. Gusto ko lang syang kamustahin." sabi ko.
"Oo..Nagising sya ung pag alis mo. Okay lang naman sya. Sige na! Sige na! umalis kana baka makita kapa nila Kuya." nagmamadali nyang sabi.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomansaLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...