6 months after
REX'S POV
"Goodmorning" bungad ko kay Kam pagmulat ng mga mata nya. Agad naman nya akong sinalubong ng matatamis nyang ngiti.
Anim na buwan na ang lumipas simula nang ikasal kami pero para sa akin kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang asawa ko na yung babaeng kinasusuklaman ko noon sa pag aakalang sya ang naging dahilan ng pagkawala ng babaeng una kong minahal.
"Goodmorning! Kanina ka pa gising?" tanong nya sakin.
"Hindi. Kakagising ko lang din" sagot ko. Pero ang totoo, mag iisang oras na akong gising. Gusto ko lang talaga syang pagmasdan habang natutulog.
"Sorry, tinanghali yata ako ng gising. Magluluto na ako ng breakfast natin." sabi nya sabay akmang babangong. Pero pinigilan ko sya at hinila pabalik sa higaan.
"Mamaya na. Sabay nalang tayong magluto ng almusal. Gusto muna kitang yakapin." sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Hmmm... yakap lang ba talaga?" sagot nya sabay tawa.
"Hmmm... pwede ding may iba pa.. tulad nito..." sagot ko sabay kagat sa ilong nya.
"Tama na Love nakikiliti ako... tama na... " sagot nya habang tumatawa.
Tumigil ako tsaka humarap sa kanya. Hinawakan ko yung magkabila nyang pisngi.
"I love you. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko." seryoso nyang sabi.
"Ako din.. mahal na mahal kita." sagot ko.
"Tama na nga yan. Baka mamaya kung saan na naman mapunta tong conversation natin. Bangon ka na dali.. may pupuntahan pala tayo mamaya." sabi nya.
"Huh? Saan? Akala ko ba dito lang tayo?" sagot ko.
"Kina Brent. Iniinvite nya tayo. Pero mamayang hapon pa naman kaya may time pa tayo para mag ayos dito." sagot nya.
Last week lang kasi kami nakabalik from honeymoon kaya hindi pa namin masyadong naayos yung bahay namin. Ayaw naman nyang mag hire ng katulong kasi gusto nya sya mismo yung mag aayos ng bahay. Paminsan minsan napunta dito yung mommny nya, kung minsan naman yung Mommy ko. Pero madalas si Nat talaga yung kasama nya kasi kapit bahay lang.
Sabay kaming bumaba sa kitchen para mag luto ng breakfast.
"Alam mo Love buti nalang talaga restaurant yung business mo. Marunong kang magluto.Kung nagkataon, gutom tayo parati." sabi nya habang binabasag yung mga itlog.
"Hindi tayo magugutom, Love. Pwede naman tayong mag pa deliver, mag take out o pwede tayong makikain sa kabila." sagot ko.
"Syempre iba pa rin kung luto natin di ba? Si Mommy kasi hindi man lang ako tinuruan mag luto." -Kam
"Syempre, Love concern lang si Mommy sayo. Alam mo namang sakitin ka noon." sagot ko.
Sasagot pa sana sya ng biglang may nag doorbell.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"May inaasahan kang bisita?" tanong ko.
"Wala..Teka titingan ko baka si Nat." sabi nya.
Ipinagpatuloy ko naman yung pag sasangag ng kanin.
Pagbalik nya, kasunod nya si Adex.
"Oh Tol, kamusta? Napadaan ka?" tanong ko.
"Inutusan ako ni Mama dalhin to. Baka daw ginugutom mo si Kamyllle. Di pa naman marunong mag luto yan." sabi nya sabay abot sa isang supot.
"Grabe ka Kuya ah. Hindi ako nagugutom dito"sagot nya habang nakanguso.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...