NAT'S POV
"Throughout this ceremony, Rexel and Kamylle have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other.They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings.Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife.You may now kiss your bride!" - Father
Pagkasabi ni Father ng "you may now kiss your bride" lahat kami nagpalakpakan. Mas lalong kinilig yung karamihan nang halikan ni Rex si Kam.
Finally! Kasal na sila. Nakamit din nila yung kaligayahang nararapat para sa kanila.
Sabay sabay kaming lumapit sabagong kasal para sa picture taking.
"Ganun pa rin po ba, Ma'am Nat?" tanong nung photographer.
"Oo, Kuya" sagot ko. Alam na nya yung ibig kong sabihin.
Pagkatapos ng picture taking, binuhat ni Rex si Kam palabas ng simbahan. Doon sila binati ng iba pang mga bisita.
"Nat! Nat!" tawag sakin ni Kam.
"Bakit? may problema ba?" nag alala kong tanong. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"Thank you! Kung di dahil sayo, sa inyo wala ako dito ngayon. Di ako magiging masaya." sabi nya habang umiiyak.
"Seryoso? Ngayon ka pa talaga nag drama. Wala yun. Kaibigan namin kayo at mahal namin kayo. Kaya lahat gagawin namin para maging masaya kayo." sagot ko habang pinupunasan ng panyo yung luha nya.
"Tama na yan. Yung make up matatanggal. Sige na.. andyan na yung bridal car. Kita kits nalang sa reception." sagot ko.
"Let's go?" tanong ni Rex sabay lahad ng kamay nya kay Kam.
"Oo.. tara na" nakangiting sagot ni Kam.
Pag alis ng bridal car, unti unti na ring nag alisan yung mga bisita papunta sa reception area. Kaming magkakaibigan nalang ang naiwan.
"Paano ba yan, 3 down na, 3 to go. Sino kayang susunod?" tanong ng asawa ko. Lahat naman kami napantingin kina Angel at Brix.
"Luh! Bat samin kayo nakatingin?" tanong ni Angel
"Patatagalin nyo pa ba yan?" tanong ni Brent
Hindi sila pareho sumagot.
"Hindi pa nga sila naamin, kasal agad?" sabat ni Third.
"Kaya nga, yung pag amin nila kung patatagalin pa ba nila." - Brent
"Tara na nga, kami na naman nakita nyo" sagot ni Brix sabay hila kay Angel papunta sa kotse nila.
Susunod na rin sana kami ng makita ko yung photographer.
"Kuya Yaj!" tawag ko. Bigla ko kasing naalala yung wedding singer. Kailangan namin syang pasalamatan.
"Yes, Ma'am Nat?" sagot ni Kuya Yaj pagkalapit samin.
"Kasama nyo pa po ba yung wedding singer?" tanong ko.
"Ahh.. oo Ma'am. Sandali po tatawagin ko" sagot nya sabay talikod.
"Bakit? anong meron sa wedding singer?" tanong ni Jam.
Hindi kasi nila alam yung nangyari.
"Hindi kasi yun yung original wedding singer. Substitute lang yun. Yung wedding singer na kinuha nila di nakarating. Buti nalang may kasamang marunong kumanta yung photographer kundi malamang isa sa inyo yung kumanta ng wedding song kanina." sagot ko.
Ilang saglit pa, bumalik na si Kuya Yaj kasama yung wedding singer.
"Ma'am Nat, sya po yung kumanta kanina." pakilala nya.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomansaLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...