IVAN'S POV
"So mga tol 2 downs na tayo. 4 to go. Sino kaya susunod?" tanong ni Brix.
Nasa labas kami ngayon papunta sa reception ng kasal nil Brent.
"Syempre tinatanong pa na yun? Okay na sila ni Kamylle so malamang kasalan na ang susunod dyan." sagot ko.
"Sus..Wag ka nga. Baka mamaya mauna pa kayo ni Angel." sagot ni Rex.
Hindi ako naka sagot.
"Oh! Natigilan ka? May problema ba kayo ni Angel?" tanong ni Jam.
Napalingon kami ako sa likod.
"Wala..wala kaming problema. Wala palang sa isip ko yung pag aasawa." pagsisinungaling ko.
Ang totoo nyan wala naman talagang namamagitan sa amin ni Angel. Totoong gusto ko sya, pero sya pagkikipag kaibigan lang yung nararamdaman nya sa akin.
"Guys.. Hindi ba dapat ang itanong natin kung sino ang huling ikakasal?" singit ni Brix sabay sulyap kay Third.
"Oo nga Third. Ikaw nalang walang lovelife sa atin ah!" -Jam.
"Hindi pa dumadating eh. Tsaka hindi naman ako naghahanap ng lovelife." tipid na sagot ni Third.
Buti pa tong si Third walang ka proble-problema sa lovelife. Chill lang! Kahit walang chix masaya.
Sa garden ng Cloud Masion sa Tagaytay yung napili nilang venue ng reception kaya medyo malamig yung paligid. Buti nalang makapal yung suot kong coat. Lamigin pa naman ako.
Naunang dumating samin yung mga girls pero dahil sa nagbihis sila, nauna kami sa mesa.
"Ang tagal naman nila. Saan ba sila nagbihis?" tanong ni Rex.
"Isa ka pa eh! Para ka ding si Brent eh! Sandali lang mawala sa paningin mo si Kamylle naprapraning kana. Chill ka lang! Lalabas din yung mga yun" sabi ko kay Rex.
9 seater yung mesang inuupan namin kaya naman naka 1 seat apart kaming lima.
"Kanina pa kaya sila nagbibihis." sagot ni Rex.
Sasagot pa sana ako kaso nakita kong palabas na sa yung apat na girls. Palinga linga sila sa paligid. Siguro hinahanap kami.
"Andito kami Girls!!!" tawag ko sabay kaway sa kanila.
Nakita naman agad ako ni Kamylle kay tinuro nya sa iba na andun kami.
"Dito ka mhine" sabi ko kay Angel. Syempre sa tabi ko sya umupo. Nasa kanan nya si Rex na katabi ni Kmylle. Nasa kanan naman ni Kamylle si Third. Nasa kanan ni Third si Donna na katabi si Brent. Nasa kanan ni Brent si Jam na katabi si Nathalie, tapos ako.
Ako - Angel - Rex - Kamylle - Third - Donna - Brix - Jam - Nathalie - Ako
Ganyan yung arrangement namin kaso paikot.
"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Rex.
"Tinulungan pa kasi namin si Ericka na mag palit ng gown nya. Tapos konting kwentuhan kaya ayun natagalan kami." -Kamylle.
"Bakit ba kayong mga girls kapag nagkikita kayo hindi pwedeng hindi kayo mag tsismisan? Lagi naman kayong nagkikita." tanong ko.
"Wow ha!! Look who's talking? Ikaw nga hindi ka maubusan ng kwento eh. Remember last time, almost 30 mins mo kong pinag antay kasi nakipag kwentuhan ka pa dun na ex mong nakasalubong natin." - Angel.
"Mhine naman! Wag kana mag selos. Sinabi ko naman sayo nangangamusta lang yun. Tsaka past is past" -Ako
"Excuse me Ivan Monteverde!! Wala sa vocabulary ko ang salitang selos noh!! Tsaka bakit ako.." -Angel
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...