KAM'S POV
Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa rin akong balita kay Rex. Ilang beses ko syang sinubukang I text o tawagan pero ring lang ng ring yung cellphone nya. Kung minsan naman kinacancel nya yung tawag.
Malamang galit pa rin sya hanggang ngayon.
Ayaw nya na ba talaga akong makita o makausap man lang? Ganun na ba kalaki yung kasalanang nagawa ko para gawin nya sakin to?
Narealize nya ba na hindi talaga ako yung mahal nya?
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko pero ni isa dun hindi mabigyan ng kasagutan.
Gustong gusto kong mag punta sa shop nila Nat para makibalita kay Rex pero hindi pwede. Tinotoo kasi ni Dad yung sinabi nyang hindi na ako pwedeng lumapit o makipag kita sa kahit na sino sa kanila.
Araw araw akong hinahatid ni Kuya Alex sa school, tapos sa hapon naman si Kuya Zander yung nag susundo sakin. Kaya wala talagang chance na makatakas ako.
Halos araw araw ganun yung naging routine ko. Bahay-school-bahay. Kaya feeling ko naka kulong na naman ako sa apat na sulok ng kwarto ko.
Pakiram ko wala na naman akong kalayaan. Bumalik na naman ako sa dati kong buhay na walang laya. Pero mas mahirap yung ganito. Naranasan ko na kasing maging malaya kaya naman nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Sis..Are you okay? Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong sakin ni Kuya Gab.
Kahit naman sabihin kong okay ako walang maniniwala kaya hindi na ako sumagot.
"Sis I know nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. But please.. sana maintindihan mo kung bakit namin gingawa to. Para din sayo to. Ayaw ka namin masaktan."-Gab
Hindi pa rin ako sumagot.
Wala akong sasabihin sa kanya o sa kanila dahil alam ko kahit anong sabihin ko walang makikinig sa akin.
Sa bahay na to at sa pamilyang to ako ang pinaka walang boses. Ni minsan hindi nila sinunod yung gusto ko. Puro gusto nalang nila yung nasusunod. Kaya wala na ring saysay kung magsasalita ako.
"Sis.. Hindi ako sanay na ganyan ka." sabi ni Kuya sabay hawak sa kamay ko.
Hindi ko pa rin sya pinansin.
Tumagilid ako patalikod sa kanya.
Isa lang ang gusto ko. Ang makausap si Rex at mapatawad nya ako. Isa lang pero imposible.
Maya maya naramdaman kong lumabas sya ng kwarto.
Bumangon ako para maligo. Kung tutuusin wala na kaming ginagawa sa school kaya pwedeng hindi na ako pumasok. Pero mas gugustuhin ko nang pumasok kesa naman mag mukmuk at mag kulong dito sa bahay.
Pag baba ko sa sala, naabutan ko si Kuya Alex na nanonood ng TV.
"Oh! Papasok ka pala? Sabi ni Gab natutulog ka daw." Bati nya sakin.
"Papasok nalang ako." Maikli kong sagot.
"Okay!"
Habang nasa kotse pereho kaming wala imikan ni Kuya. Malamang naiintindihan nya yung nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa makarating sa school hindi kami nag uusap.
Dahil late na ako pumasok halos wala ng tao sa quadrangle.
Dumiretcho ako sa class room. Buti nalang absent yung proof namin kaya hindi ako napagalitan.
"OI Ano ba nangyari sayo?" tanong sakin ni Bea.
"Wala! Wag mo nalang akong pansinin." Sagot ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88668803-288-k760088.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...