CHAPTER 62: KAMYLLE ANDREA ALTHEA MENDOZA

991 19 4
                                    

Kamylle's Pov

"Babalik ka di ba?" tanong ko kay Rex habang hawak yung braso nya.

Gusto ko kasing siguraduhin na totoong nandito sya at hindi ako nanaginip lang.

"Oo naman. Babalik ako..Babalikan kita "

sagot nya.

Napangiti ako.

Totoo nga to. 

Babalik sya. Babalikan nya ako.

Hanggang sa maka alis sila, hindi pa rin nawawala yung ngiti ko.

Kung panaginip man to, ayoko na gumising. 

Pero alam ko namang hindi ako nananaginip.

Pagkahatid ko kina Rex sa gate, binalikan ko si Dad.

Naabutan kong kausap nila si Kuya Adex.

"Why Dad? Tell me? Bakit mo sya hinayaan? Bakit Dad?" tanong ni Kuya.

"Dahil yun ang tama. Mahal sya nang kapatid mo kaya dapat natin silang suportahan imbes na hadlangan. Mauunawaan mo din yan kapag nagmahal ka." sagot ni Dad.

"Tsss..Pag ako nagmahal seseryosohin ko. Hinding hindi ko sasaktan at mas lalong hinding hindi ko ipagtatabuyan. Hindi kagaya nang ginawa nya." -Adex.

"Nakaraan na yun Adex. Tapos na.. at hindi ba't dahil din sa kanya kaya nagising ang kapatid mo?Patunay yun na mahal talaga sya ni Kamylle."- Daddy

"Kalokohan! Nagising si Kamylle dahil sa gamot at sa Diyos. Hindi yun dahil sa kung sino." -Adex

Hindi yun kalokohan. Totoong nagising ako nang dahil kay Rex.

Sya yung dahilan kung bakit ko iminulat yung mga mata ko.

Flashback

"Magkikita ulit tayo..Pangako yan. Hindi man sa panahon na to..Pero sa ibang panahon..Pag nangyari yun..Magpapakilala ako sayo..Pero sa ngayon eto na munang huli nating pagkikita.. Pero malay mo.. Kapag pinayagan ako..Sa tamang panahon..Ako ang magsusundo sa inyo..." Sabi ni Eryl habang unti unti silang kimukuha ng liwanag.

Sila?

Oo sila.. May kasama sya.

Nung una akala ko si Earl yung kasama nya. Pero nung tinitigan kong mabuti si Lolo Andrew pala.

Oo si Lolo Andrew nga.

Sinusundo nya si Lolo Andrew.

Pero bakit? Bakit nya sinusundo si Lolo Adrew? Bakit?

"Kam..Aalis muna ako ha!! Pero babalikan kita. Promise..babalik at babalik ako dito hanggang sa magising ka." boses ni Rex.

Ha? Aalis na sya?

"Teka sandali Rex..Wag kang umalis" pigil ko sa kanya.

"Rex..please..wag mo kong iwan ulit!!"

"Rex..Rex.." 

Tawag ko habang unti unting dumadaloy yung luha sa mga mata ko pero walang nasagot.

"Kam..Kam..Anak...."boses ni Mom.

Pag mulat ko nang mga mata ko sya agad ang bumungad sakin.

"Thank God you're awake!" sabi nya habang umiiyak.

Panaginip lang ba lahat nang yun?

Hindi ba totoong nandito si Rex?

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon