CHAPTER 18 : MIDNIGHT ROADTRIP

1.3K 36 0
                                    

JAM'S POV

Past 8 ana kami nakadating ng bahay ni Nat galing shop.

Doon na kami nag dinner kasama sila Brent at Ericka.

Pagdating namin ng bahay napansin kong hindi maganda yung pakiramdam ni Natalie. Namumutla sya at pawis na pawis.

"Hon okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes hon I'm okay." Sagot nya sakin tapos dumiretcho paakyat ng kwarto.

Ako naman dumitecho muna sa study room namin. Sinusubukan ko kasing maghanap pa ng impormasyon kung sino yung pwedeng magbanta sa buhay namin.

Kailangan malaman namin yun sa lalong madaling panahon.

Nang wala akong mahanap, umakyat na rin ako sa kwarto namin. Pagpasok ko pa lang naririnig kong humihikbi si Nat.

Umiiyak sya.

Nagmamadali akong lumapit sa kanya.

"Hon! What happened? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak.?" Tanong ko.

Pero hindi nya ako sinagot. Umiiyak pa rin sya.

"C'mon Hon, tell me! May nagawa ba ako? Anong problema?" tanong ko ulit.

"Mahal mo ba ako?" tanong nya.

Ha? Anong klaseng tanong yun?

"Ano ba namang tanong yan Hon. Of course I love you! I love you more than anyone else. Ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay ko." sabi ko sa kanya.

"Hanggang kelan mo ko kayang mahalin?" tanong ulit nya.

Hala! Ano bang nangyayari sa babaeng to? Tinotopak na naman ba to?

"Hanggang sa kabilang buhay mamahalin kita." –Ako

"Kahit tumaba ako?" –Nat

"Kahit maging balyena ka pa." –Ako

"Kahit pumangit ako?" –Nat

"Para sakin ikaw ang pinaka maganda." –Ako

"Kahit magkabilbil ako?" –Nat

"Kahit kasing laki pa ng aparador natin." –Ako

"Niloloko mo naman ako eh!" sabi nya sabay iyak ulit.

"Bakit ba kasi Hon? Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko.

Umayos sya ng upo tapos yumakap sa akin.

"Promise mo mamahalin mo ko ha! Kahit tumaba ako, kahit pumangit ako or kahit na hindi na bumalik yung katawan ko sa dati." Umiiyak nyang sabi.

Dati? Anong dati? Ano bang katawan nya dati? Mula't sapul naman ganyan na yung katawan nya. Yung height nga nya di na nagbago eh.

"Promise Hon! Cross my heart! Now tell me! What's wrong?" seryoso kong tanong.

"There's nothing wrong. It's just that..." sabi nya sabay may kinuha sa ilalim ng unan.

Pagka abot nya sa akin, hindi agad ako naka kilos. Naka tingin lang sya sa akin.

Dahan dahan kong tiningnan yun kung ilang guhit.

Two lines.

"You mean?" tanong ko sa kanya.

"Yes! I'm pregnant! Maging daddy ka na." sabi nya.

Hindi agad ako nakakilos. Ang tagal bago mag sink in sa utak ko yung sinabi nya at nung nag sink in halos mapasigaw ako sa saya.

"YES!! TATAY NA AKO!! WHOOAAAA!! TATAY NA AKO!" sigaw ko.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon