CHAPTER 8: COINCIDENCE

1.5K 35 0
                                    

Earl'S PoV

Ilang araw pa lang akong andito sa Pilipinas peo parang gusto ko nang umuwi sa UK. Paano ba naman kasi ang lugkot ng bahay namin.

Kung wala sa kwarto, andito ako sa sala nanonood ng tv. Naubos ko na yata lahat ng pwedeng panoorin dito pero bored pa rin ako.

Aakyat nalang sana ako ng kwarto ulit ng bigla akong napatingin sa portrait ng pamilya namin sa may hagdan. 3 portrait yun. Sa kanan sila Mom at Dad, sa kaliwa kaming tatlo at sa gitna kaming lahat. Napangiti nalang ako. Parang buhay na buhay kasi si Eryl sa litrato nya.

Simula talaga ng nawala si Eryl ang dami nang nagbago sa bahay. Dati masasawa ka sa kaingayan nya. Ngayon mabibingi ka sa sobrang katahimikan. Dati sobrang liwanag ng bahay, ngayon kahit umaga madilim pa rin. Kung dati buhay na buhay yung bahay, ngayon kung wala yung mga maid at si Butler Josh aakalain mong abandonadon bahay na.

"Master Earl si Master Martin po nasa linya." Sabi ni Butler Josh sabay abot ng telepono.

Si Eros Martin Madrigal. Sya ang Kuya namin ni Eryl. Tahimik man sya sa unang tingin, pero wag nyo sya mamaliitin dahil sa aming tatlo sya ang pinaka delikado magalit. Kung demonyong tinatago ko at ni Eryl. Doble nun yung demonyong naka tag okay Martin. Ang pagkakaiba lang, sya kontrolado nya. Si Eryl medyo at ako hindi.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Tol! Extend ka pa ng 2 weks dyan. May mga nag email sakin na construction firm para dun sa building sa Pasig. Sinabi ko na sayo ibigay yung proposal." Sabi nya. Malamang kararating lang nito sa bahay. Narinig ko kasing bumubusina sya sa gate.

"WHAT? 2 WEEKS? NO WAY MART! NGAYON PA NGA LANG GUSTO KO NG UMUWI TAPOS PAG STAY MO PA KO DITO NG WEEK? NO WAY!" sagot ko sa kanya.

"C'Mon bro! sige na! alam mo namang busy ako masyado dito. Kung may time lang ako e di ako na nag punta dyan. Kaso wala akong time kaya ikaw na muna bahala." –Kuya Martin.

Hindi ko alam kung talagang sinasadya nya na ma extend ako dito. Tatanggi sana ako kaso bigla akong may naalala.

"Sige tol! Pero sa isang kondisyon!" sabi ko sa kanya. Akala sigiro nito maiisahan nya ko eh.

"Ano yun?" tanong nya.

Sinabi ko sa kanya yung kondisyon ko. Nung una ayaw nya pumayag.

"Ano? Tigilan mo nga ako Earl. Kalokohan na naman yang iniisip mo eh." Sabi nya sa akin.

"Sige na! maliit na bagay lang naman yun." –Ako

Syempre wala naman syang magagawa. Kaya sa huli pumayag nalang sya.

"Teka nakapunta ka na sa kanya?" malamang si Eryl yung tinutukoy nya.

"Yup. Nung isang araw. Halos araw araw nga akong nadaan doon." Sagot ko.

"Good! How is she?" –Kuya Martin.

"Ok lang, mukhang alagang alaga ni Rexel yung puntod nya." Maikli kong sagot.

"Really? Hindi pa rin nya nakakalimutan si Eryl? Have you meet them again?" –Kuya

"Si Rex lang. The rest not yet. Maybe next week dadaan ako sa kanila.' –Ako

"Ok" sagot nya.

"Si Aaron ba yan Marty?" dinig kong sigaw ni Mom sa likod. Malamang kukulitin na naman ako nito.

"Ge Mart babye!" sabi ko sabay baba ng cellphone bago pa makuha ni Mom.

Ayaw kong kausapin si Mom kasi malamang yun at yun na naman ang kukulitin nya sa akin.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon