ERICKA'S POV
This is it! Finally dumating na rin yung araw na pinaka hihintay ko malaiban sa kasala namin ni Brent.
8Ngayon yung araw ng engagement namin. At andito kami ngayon sa hotel na pagmamay ari ng family nila.
"Sis Ready ka na ba?' tanong ni Ate Monick. Kasama ko sya dito sa kwarto.
"Yes Ate I'm ready" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Sigurado ka nab a sa desisyon mo?" tanong ulit nya. Napalingon ako sa kanya.
"Ate naman! Syempre OO! Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Brent di ba?" sagt ko sa kanya.
"OO alam ko! Handa ka ngang itaya yung kaligtasan mo para lang sa kanya di ba?" nagulat ako sa sinabi nya. Saglit akong napatitig sa nagmamake up sa akin. Nakita kong nagulat din sya sa narining nya.
"Ate naman! Baka may makarinig sayo." Sabi ko sa kanya.
"Nag aalala lang naman kasi ako sayo Sis. Mas inuuna mo pa tong kasal mo kesa dyan sa saki mo." Sabi nya sakin.
"Ate yung sakit ko hindi natin pwedeng kontrolin. Kung talagang hihina yung katawan ko wala na tayong magagawa dun, Ang tanging magagawa ko na lang maging masaya at pasayahin yung mga taong nasa paligid ko. Para wala akong pag sisihan pag dating ng araw." Seryoso kong sagot sa kanya.
Narealized ko yan ng mawala si Eryl. Naisip ko masyadong maikli ang buhay ng tao para alalahanin mo yung mga bagay na gumugulo sa isip mo. Dapat habang may pagkakataon pa, habanag kaya mo pa, habang nandyan pa yung taong gusto mong pasayahin gawin mo. Para baling araw wala kang pag sisihan.
"Bahala ka Sis. Basta ano man ang maging desisyon mo nandito lang kami sa tabi mo. Alam ko kahit tutol si Kuya Ercik sa desisyon mo hindinh hindi nya magagawang magalit at tiisin ka." –Ate Monick.
Bigla kong nalala si Kuya Erick. Kahapon bumalik na syang US. Sinandya talaga nyang wag dumalo sa engagement ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin sya payag sa pagpapakasal k okay Brent.
Buti na lang at dumating sila Mom at Dad kagabi. Ksabay nun namanhikan na rin sila Brent. Kaya wala ng haglang para matuloy yung kasal naman. Wala! Maliban sa sakit ko.
Kung pwede lang hatakin yung buwan para bukas ikasal na kami ginawa ko na.
Sa totoo lang sa sitwasyon ko ngayon hindi ako alam kung aabot pa ako sa arwa na yun. Araw araw nararamdaman ko nagbabago yung katawan ko. Unti unti kong nararamdaman na nanghihina ako. Unti unti kong nararamdaman na nilalamon ako ng sakit ko. Pro kahait anong mangyari lalabanan ko to. kahit anong mangyari matutuloy yung kasal namin ni Brent.
Maya maya narining kong pumasok si Nat,
"Nangdadatingan na yung mga bisita nyo Rick!" sabi nya.
"Okay bababa na ako." sagot ko sa kanya. Sakto rin dahit tapos na akong make-upan.
Sabay sabay kaming bumaba, pro pag dating sa hagdan hinayaan nila akong aglakd mag isa. Pakiramdam ko isa akong prinsesang mababa ng hagdan para salubungin yung prinsepe ko.
Nakita kong nasa dulo ng hagdan si Brent, nasa tabi nya si Brix at Ivan.
Nang malapit na ako sa kanya, kinuha nya yun kamay ko at inalalayan ako pababa.
Nang mga oras nay un kay Brent lang naka tuon yung pansin ko.
"You look gorgeous Babe!" bulong nya sakin sabay halik sa pisngi ko.
Ewan ko ba pero hanggang ngayon kapag sinasabihan nya ako ng ganun kinikilig pa rin ako.
"Thank Babe! Ikaw din you look handsome! Parang ayaw ko na ngang lumabas ka doon kasi for sure pag titinginan ka na naman ng ibang babae." Biro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...