CHAPTER 31: PAYBACK TIME

1.5K 40 4
                                    

REX'S POV

Alas 5 palang ng umaga gising na ako.

Hindi kasi ako masyadong makatulog kagabi.

Pinag iisipan ko pa rin yung tungkol sa Ayala Food tapos dumagdag pa yung away ni Ericka at Brent.

Pagbalik namin ng Manila pupuntahan ko agad si Eryl para humingi ng signs kung okay lang ba sa kanya na buksan ko ulit yung Ayala Food.

Isa pang gumugulo sa isip ko ay si Kamylle.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa lahat ng ginagawa nya si Eryl ang nakikita ko.

Namimiss ko lang ba si Eryl? Magpagkakatulad ba sila? Naikukumpara ko ba si Eryl sa kanya? pero bakit? Sa anong dahilan?

Hindi ko talaga alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko. At mas lalong hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Dahil hindi na rin naman ako makatulog lumabas ako sa kwarto namin ni Third.

Dumiretcho ako sa kusina par asana uminom nang tubig pero natigilan ako nang may marinig akong nag sasalita.

"Oo Kuya okay lang ako! Wag kang mag alala. Naprapraning ka lang."

Pag silip ko si Kam yung nakita ko habang may kausap sa phone.

"Wag mo na ko sunduin. Mag tataxi nalang ako pauwi dyan." –Kam

Mukhang kinakamusta sya ng kuya nya.

Tatalikod na sana ako nang bigla nya akong tawagin.

"Rex!"

Lumingon ako at tiningnan sya.

"Bakit?" –Ako

"An gaga mo yatang magising? Hindi ka din ba makatulog dahil dun sa nangyari kagabi?" tanong nya.

"Oo. Kamusta pala si Ericka?" –Ako

"Ayun nakatulog na sa kakaiyak." –Kam

"Ahhh... si Brend din eh. Halos hindi natulog dahil sa sobrang sama ng loob." –Ako

Umupo ako sa upuan. Ganun din sya.

"Kuya mo yung tumawag sayo?" tanong ko.

"Ahh Oo. Narinig mo pala. Kinakamusta lang ako. Sabi ko pauwi na tayo ngayon." –Kam

"Over protective din ba yung Kuya mo?" –Ako

"Oo. Sobra! Konting kibot lang akala mo kung napano na ko. Maya't maya tawag, text. Haayyss minsan nga naisip ko ano kayang feeling nang solong anak? Yung wala kang Kuya na laging nangungulit sayo." –Kam.

"Mahirap. Kasi wala kang kadamay kapag nasasaktan o may problema ka. Wala kang matatakbuhan kundi mga kaibigan lang. Tsaka normal na naman yata sa mga babae ang magkaroon ng over protective na Kuya. Kung nag karoon ako ng kapatid na babae malamang mas malala pa ako ke Earl o Erick o sa mga Kuya mo." –Ako

"Sabagay. Yung Earl dib a kuya yun ni Eryl? Over protective din ba sya?" –Kam

Bigla akong napatawa.

"Nang mag sabog ang Dyos nang pagiging over protective at kapraningan, gising na gising si Earl. Halos mapatay nun si Jam nung mga panahong sila pa ni Eryl. Ako naman halos pumasok ako sa butas nang karayom nung ligawan ko si Eryl. At partida si Earl palang yun, hindi pa kasama dun si Martin." Sagot ko habang inaalala yung mga panahong nagpaparamdam palang ako ke Eryl.

"Espesyal kasi si Eryl. Sobrang mahal na mahal sya nang buong pamilya nya. Kaya ganun na lang yung guilt na naramdaman ko nung nawala sya habang magkasama kami. Nangako pa naman ako kay Earl na proprotektahan ko sya pero sa huli hindi ko din nagawa.: dagdag ko pa.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon