Kamylle's Pov
Mag lilimang minuto ko ng tinititigan yung toga kong nakahanger sa tokador pero hindi pa rin ako makapaniwalang gragraduate na ako ngayon.
Oo! Graduation day namin ngayon. Ang galing no? Dati, suntok sa buwan ang makapasok ako normal na school dahil sa sakit ko. Pero ngayon, gragraduate na ako.
Ang laki talaga ng pinagbago ng buhay ko.
"KAMYLLE!!!! HINDI KA PA BA READY? MALALATE NA TAYO!!! " sigaw ni Kuya Mhigs.
Napatingin ako sa orasa.10:45 am palang. 1:00pm pa yung start ng ceremony. Feeling ko mas excited pa sila sa akin.
"Bababa na Kuya!" sagot ko.
Agad kong tinapos yung pagmamake up sa sarili ko tapos kihuna yung toga. Sinabit ko yun sa braso ko tsaka nagmamadaling bumama.
Pag baba ko sa sala, andun na yung mga kapatid ko. Pati na si Mama at Papa. Lahat sila nakangiti sa akin. Si Kuya Alex may hawak na isang bouquet na bulalaklak. Si Kuya Xander naman yung may dala nung garland ko.
"Congrats Sis! You made it!" Sabi ni Kuya Mike sabay yakap sakin.
"Thank you mga Kuya! Hindi ko to magagawa kundi dahil sa inyo." naiiyak kong sabi.
"Oh! Wag kang iiyak! Masisira ang make up! " singit ni Kuya Gab sabay punas ng luha ko.
"Sa wakas graduate na prinsesa ng mga Mendoza! Makakapag asawa na si Kuya Mhigs." sabat ni Kuya Xander.
"ASA! Bilisan nyo na at nalalate na tayo." sagot ni Kuya Mhigs sabay batok kay Kuya Xander.
"Teka! Hindi ba pupunta si Rex? " tanong ni Mama.
Minsan feeling ko parte na talaga ng family namin si Rex. Kapag wala kasi sya sa mga occasion lagi syang hinahanap ni Mama o ni Papa.
"Kanina ko pa nga tinetex Ma eh. Hindi nag rereply. Pero alam naman nya yung venue. Malamang susunod nalang yun." sagot ko.
Bago ako matulog kagabi magka usap kami. Ang sabi nya dito sya didiretcho para magkakasabay kaming pupunta sa venue ng graduation. Pero kaninang umaga, naka received ako ng text na baka sa venue na sya dumiretcho. May aayusin lang daw sya. Yun na yung huling text nya sa akin ngayon araw. Pagkatapos nun hindi ko na sya makontak.
"Eh sila Natalie pupunta ba dito mamaya?" tanong ulit ni Mama.
"Opo Ma! Pupunta sila dito lahat mamaya. Hindi ko na sila pinapunta sa venue kasi limited lang yung pwedeng makapasok. Pinag bigyan nga lang ako nung dean na makapasok kayong lahat."-Ako
Pagkatapos kasi ng graduation may konting salo salo dito sa bahay. Gusto nila Kuya magpa party, pero sabi ko dinner nalang para mas okay.
"Mabuti naman at pupunta sila." sagot ni Mama.
"Ano ba yan! Kagulo na naman yung bahay mamaya." singit ni Kuya Adex.
"Hayaan mo na. Graduation naman ng kapatid mo.'' – Papa
"Oo nga Kuya. Nung ikaw nga nakapasok sa military kulang na lang magpa fiesta si Mama eh.''- Kuya Gab
"Oh! ano? Magtsitsimisan nalang ba kayo dyan? Bilisan nyo na at baka ma traffic tayo." Singit ni Kuya Mhigs.
"Mas excited pa ang Kuya Mhigs kesa kay Kam. " sabat ni Kuya Gab.
"Oh dalian nyo na! Magsilabas na kayo at nagmamadali ang Kuya nyo. May lakad yata yan" sabat ni Papa.
"Lakad! Buti sana kung may girlfriend. Wala naman.' Pabulong na sabi ni Kuya Alex.
"Kuya si Alex may sinasabi oh!!" sumbong ni Kuya Mike.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...