CHAPTER 50: WHAT WAS HAPPENED 5 YEARS AGO

1.3K 32 19
                                    

Mga beshie... Matatapos na sya...

Last 10 Chapters nalang.

Salamat sa pag suporta...

DON ANDREW'S POV

"Hayaan nyong ako ang magpaliwanag kung ano ba talagang nangyari limang taon na ang kakalipas." sabi ko sa kanila.

Lahat silang nagulat ng makita ako.

Bakit nga ba hindi eh ilang taon na nila akong hindi nakikita.

"Don Andrew" dinig kong banggit ni James.

Napatingin ako kay Kamylle.

Nakikita ko sa mga mata nya ang pagtataka.

Malamang kinikilala nya kung sino ako.

"Nagulat ka ba Kamylle? Oo.. yung lolo andeng na kilala mo sya rin ang Lolo ko. Ang Lolo namin ni Eryl. At sya ang nag umpisa ng lahat ng to." dinig kong sabi ni Earl.

Bakas ko pa rin sa boses nya ang galit. Galit sa ginawa ko sa kapatid nya.

Kung sa bagay hindi ko sya masisisi. Kahit nga ako mismo hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sinunod ko ang kagustuhan ng apo ako.

"Lolo Andeng totoo po ba?" malumay na tanonh ni Eryl.

"Oo hija.. Ako nga si Lolo Adeng. At apo ko si Eryl." sagot ko.

"Pero bakit ka nagsinungaling Lolo? Ang sabi ko supulturero lanh kayo sa sementeryo. Si Lola... yung sabi nyo pong nakalibing sa tabi ni puntod ni Eryl...hindi nyo po sya totoong asawa?" -Kam.

"Lahat ng sinabi ko sayo totoo. Lola ni Eryl ang nakalibing sa tabi nya. Sya ang aking asawa." paliwanag ako.

"Do you think kayang magpalibing ng isang supulturero sa Heaven Gardens? Milyong ang bayad ng bawat isang nakalibing doon." singit ni Earl.

"Pasensya ka na hija kung nag kunwari akong hindi kita kilala. Gusto ko lang kasing malaman kung ano ba talagang nasa loob mo. Nagpapasalamat ako at ikaw ang nakatanggap ng puso ng apo ko. Kahit paano alam kong worth it yung ginawa ko." sabi ko.

"ANONG WORTH IT DOON? ANG PATAYIN ANG SARILI MONG APO PARA MABUHAY ANG ISANG TAONG HINDI MO NAMAN KAANO ANO?" sigaw ni Earl.

Napaka ikli talaga ng pasensya ng batang ito.

"Maari ba muna tayong pumasok sa loob para doon ko ipaliwanag ang lahat." Sabi ko sa kanila.

Agad namang silang nagsisunuran.

Nakita kong pinauwi na nila Natalie at Ericka yung mga naiwang bisita.

At nung kami kami na lamang amg naiwan sa loob, inilahad ko ang buong katotoohanan kung ano nga ba talaga yung totoong nangyari limang taon na ang nakakaraan.

Flashback

"Master Andrew may bisita po kayo" sabi sa akin ni Alison. 

"Bisita? Sino? Wala akong inaasahang bisita ngayon Alison." sagot ko sa kanya habang naka upo sa upuan ko.

"Sino pa eh di Akooooooo" sabi ng isang masiglang boses sabay yakap sa likuran ko.

"Aba't ikaw pala Apo.." masaya kong sabi.

Napaka bihira kasing dalawin ako nito.

Lalo na't nasa Pilipinas sila tapos nasa Japan ako.

"Kamusta na ang pinaka gwapo kong Lolo?" tanong nya.

Naku mukhang alam ko na... May kailangan to.

"Naku wag mo na ako bolahin Hime.. Anong kailangan mo?"

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon