EARL'S POV
Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kahapon.
Parati namam akong naiinis sa Nanay namin pero ngayon lang ako nabadtrip sa kanya ng ganun.
Ano bang naisipan nya at dinala nya yung babaeng yun sa bahay.
At tuwang tuwa pa sya at excited habang ipinapakilala nya na para bang bagong membro bg pamilya.
Ganun nalang ba kadali ang lahat?
May magbabago ba kahit malaman namin na nasa kanya yung puso ni Bunso?
Maibabalik ba nun si Bunso?
Hindi naman eh...
Hindi nun mababaliktad yung katotohanan na wala na si Eryl kaya useless na makilala namin sya.
At kahit namin sya, hinding hindi nya mapapalitan si Eryl sa buhay namin.
Hinding hindi sya magiging si Eryl kahit anong gawin nya.
Sa sobrang inis ko parang hindi ko kayang makita si Mom kaya maaga palang umalis na ako sa bahay.
At dahil wala akong ibang mapuntahan dito ako dinala ng mga paa ko sa puntod ni Eryl.
Balak ko sanang mapag isa pero malayo palang may natanaw na akong tao na nakatayo sa puntod nya.
Nung una inakala kong si Ericka o Natalie. Pero habang papalapit ako nakikilala ko kung sino sya.
Biglang nag init yung ulo ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sigaw ko sa kanya sabay lapit.
Halatang nagulat sya.
Hindi nua inaasahan na darating ako.
"Earl.."
"TINATANONG KITA KUNG ANONG GINAGAWA MO DITO? WALA KANG KARAPATANG LUMAPIT SA PUNTOD NG KAPATID KO"
"Earl..magpapaliwanag ako. Wala akong balak agawin yung posisyon ng kapatid mo. Gusto ko lang makilala yung pamilya nya para makapag pasalamat ako"paliwanag nya.
"WALA KANG DAPAT IPAGPASALAMAT DAHIT HINDI NAMIN GINUSTONG IBIGAY SAYO YUNG PUSO NI ERYL. AT KUNG PWEDE KO LANG DUKUTIN PARA BAWIIN YAN GINAWA KO NA. KAYA LAYUAN MO KAMI...LAYUAN MO ANG MGA KAIBIGAN NI ERYL AT MAS LAYUAN MO SI REX DAHIL HINDING HINDI KA NYA MATATANGGAP ORAS NA MALAMAN NYANG NASAYO ANG PUSO NG TAONG MAHAL NYA" bulyaw ko sa kanya.
Halata sa mata nyang nasaktan sya sa sinabi ko pero wala akong pakialam.
Hindi ko alam kung bakit ayaw ipaalam ni Martin yung totoo sa kanila pero hindi ako tatayo na lang at hayaan syang niloloko yung buong barkada nila Eryl.
At mas lalong hindi si Rex.
Napansin kong yumuko sya na para bang naiiyak.
Pagkatapos nun tumalikod na sya tsaka umalis.
Kinuha ko naman yung bulaklak na nilagay nya sa puntod ni Eryl tsaka tinapon.
Ipinalit ko yung bulaklak na dala ko.
Habang naka upo sa harap ng puntod nya hindi ko mapigilang umiyak.
Pakiramdam ko biglang nagbalik sa
akin yung lahat.
Mula nung oras na nalaman kong wala ni sa Eryl hanggang sa nalaman kong ibinigay ni Lolo sa iba yung puso nya.
Parang bumalik yung naramdaman kong galit dahil kung sana hindi ginawa ni Lolo yun, may 1% pag asang nabuhay si Eryl.
Oo..buhay pa si Eryl nung kinuha yung puso nya sa kanya at inilipat sa babaeng yun.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...