BRIX'S POV
Haist..pakiramdam ko sobrang pagod ko ngayong araw na to. Pagod ako sa kakaisip kung sinong pwede mang trip sa amin ng ganito. Pagod yung katawan ko sa kaka byahe.
At malamang sa pagod kong to baka pag pasok ko ng bahay sa kama agad yung punta ko.
Pero hindi ganun yung nangyari
Dahil pagpasok ko naabutan ko si Mommy kasama si Tita.
"Mabuti naman at dumating ka na. Asan ang pinsan mo?" Tanong ni mommy.
"Dumaan pa yata sa bahay ni Ericka."sagot ko sabay salampak sa couch.
" Kamusta? Nahanap nyo na ba si Ericka? May balita na ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Tita.
Simula kasi nung pinakilala ni Brent kina Tita si Ericka bilang girlfriend itinuring ns syang kapamilya ng pamilya namin.
Kaya nga pati ako nag aalala din sa kanya.
"Wala pa Tita. Pero ginagawa namin ang lahat para mahanap sya." sagot ko.
"Sana naman mahanap na si Ericka. At si Brent, wag mong pababayaan ang pinsan mo. Ngayon ka nya mas kailangan." sabi ni Tita.
Kahit naman hindi nya sabihin yun hinding hindi ko pababayaan yung pinsan kong yun.
"Yes Tita...makakaasa ka pong hinding hindi ko pababayaan si Brent." Sagot ko.
"Thank you Brix. Mabuti nalng talaga at magkasundo kayo ng pinsan mong yan. Kung hindi...naku...hindi ko na alam yung gagawin ko." Tita
"Don't worry Tita..mahahanap din si Ericka at magiging maayos din si Brent."-Ako
"Oh sya mabihis kana muna at maghahapunan na tayo. Tumawag ang Daddy mo malalate daw sya kaya mauna na tayong mag hapunan." -Mommy.
Paakyat na sana ako ng kwarto ko ng biglang pumasok yung security guard namin.
"Sir Brix may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi nya.
Naghahanap? Sino naman yun?
"May inaasahan ka bang bisita Brix?" Tanong ni Mommy.
"Wala Mom. Sino daw?"-Ako.
"Hindi nagpakilala Sir babae po. Gusto daw po kayong makausap."-Kuya Guard.
"Puntahan mo na. Baka isa na yan sa mga babaeng tinakbuhan mo." Pang aasar ni Mom.
"Mom!" -Ako
Tumawa lang sya.
Paglabas ko nakita ko ngang may babaeng nakatayo sa harap ng gate.
Medyo madilim kaya hindi ko maaninag yung mukha nya.
"Excuse Miss..anong kailangan mo?"marahan kong tanong.
Pagharap nya nagtama yung tingin namin.
Kasunod nun isang malutong na sampal yung dumapo sa pisngi ko.
"Ikaw nga! WALANG HIYA KANG CARNAPPER KA! IPAPAPULIS KITA!!" sigaw nya habal pinagkakakalmot yung mukha.
Agad naman syang hinawakan nung driver guard namin para awatan.
"What? Carnapper? Sira ulo ka ba? Tong mukhang to carnapper! Excuse Miss baka nagkakamali ka. Tsaka sino ka ba?"tanong ko habang himas himas yung pisngi kong sinampal nya.
"SINO AKO? EXCUSE ME MISTER! AKO LANG NAMAN YUNG BABAENG INAGAWAN MO NG MOTOR SA GASOLINE STATION NUNG ISANG GABI" bulyaw nya.
Naguguluhan ako. Wala akong maalalang inagawan ko ng motor at bakit ako mang aagaw ng motor?
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomantikLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...