Martin's Pov
"Bat napaaga yata yung balik mo? Tsaka bakit dito ka dumiretcho hindi sa bahay?" tanong ko kay Earl.
Ang usapan kasi namin next week pa yung uwi nya dahil may pinapatapos pa ako sa kanya. Pero nagulat ako ng sabihin nyang babalik na sya ngayong araw. At ang mas nakakagulat pa hindi sya sa bahay namin dumiretcho kundi dito sa condo ko.
"Saka ko na ipapaliwanag Kuya. Yung pinapahanap ko ba sayo nahanap mo na ba?" tanong nya sa akin. Last week nya pa ako kinukulit tungkol doon.
"Oo nahanap ko na. Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?" tanong ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung anong talagang plano nya at bakit nya pinapahanap yung taong yun.
"Basta Kuya malalaman mo rin. Sa ngayon hayaan mo muna akong diskartehan to. Mage enjoy muna akong paglaruan sila." Sabi nya habang nakangisi.
Yang ganyang mga ngiti ni Earl yan yung ngiti ng may masamang plano. Posible kayang hanggang ngayon sinisisi nya pa rin yung mga yun sa pagkamatay ni Eryl at plano nyang gantihan.
"Earl kung ano man yang binabalak mo wag mo ng ituloy. Isipin mo na lang kung anong mararamdaman ni Eryl kapag sinaktan mo yung mga kaibigan nya." Sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.
"Diskarte ko to Kuya at alam ko kung anong ginagawa ko." malamig nyang sagot.
Kung minsan hindi ko na maintindihan yung ugali ni Earl. Simula ng mawala si Eryl hindi ko na mabasa yung nasa isip nya. Kung talaga bang kaibigan pa rin yung turing nya sa mga dating kaibigan ni Eryl o kaaway dahil minsan na nyang nabanggit na kundi dahil sa kanila buhay pa sana si Eryl.
"Sasabihin ko ba kay Mom na andito ka?" tanong ko sa kanya. For sure hindi pa alam nila Mom na umuwi na sya dito.
"No! Babalik din ako sa makalawa sa Pilipinas. Susunduin ko lang sya." Sagot nya bago tuluyang umakyat sa kwarto nya.
Kagaya pa rin ng dati ginagawa nya pa ring Baclaran at Divisoria ang London and Pilipinas. Pero mas okay na rin yupn kesa magmukmuk sya dito. Sana lang hindi sya makagawa ng bagay na pagsisisihan nya.ay7
Ako nga pala si Eros Martin Madrigal, panganay na anak nila Esmeralde at Rionardo Madrigal. Isa akong business tycoon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. At the age of 21 isa na ako sa pinaka batang owner ng Madrigal Group of Companies at sa ngayon isa na ako sa pinaka mayamang binata sa mundo. Hindi pa dyan isasama yung yaman ng pamilya ko.
Dati din akong gangster, kasama ko si Eryl at Earl sa underground. Pero simula nung pinasok ako ni Dad sa M.G huminto na ako sa pagtanggap ng misyon.
Pero dahil kay Earl, mukhang mapapasok na naman ako sa gulo.
Kamylle's Pov
"Talaga na meet mo yung boyfriend nya?" tanong ni harry.
Andito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch. Nakwento ko sa kanya yung nangyari nung huling punta ko sa puntod ni Eryl kung saan na meet ko si Rex.
"Oo. At nakausap ko sya pero super saglit lang. Bigla kasing umulan." Sabi ko sa kanya.
"Ahh..so itutuloy mo ba yung plano mo?" tanong nya.
Nabanggit ko kasing gusto kong makilala ng husto yung mga kaibigan ni Eryl.
"Oo, pero hindi ko muna sasabihin yung totoo. Titingnan ko muna kung matatanggap ba nila kapag sinabi ko yung totoo." –Ako
"Paano mo naman gagawin yun? Alam mo ba kung saan sila nakatira?" tanong ni Harry.
Sa totoo lang hindi ko pa alam kung paano ko gagawin yun. Pero hahanap ako ng paraan para makilala sila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Roman d'amourLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...