ERICKA'S POV
Busy ako sa preparation ng Engagement namin ni Brent. This Friday na kasi yung engagement. Bukod pa doon busy na rin ako sa preparation ng kasal. Kaya siguro ako sobrang napagod at nawalan ng malay last time.
Gusto kong papaniwalain young sarili ko nay an yung totoo kahit alam kong hindi naman talaga. Gusto kong isipin na ganyan lang kasimple yung nangyari kahit alam kong may mas malalim pang dahilan. Dahilan na hanggang ngayon wala pang nakaka alam sa kanila at hindi ko alam kung paano ko ipapa alam.
Nakita ko kung paano kami nasaktan nang mawala si Eryl. Halos mabuwag yung barkadahan namin. Halos lahat kami naapektuhan. Mabuti nalang at unti unti kaming nakabawi at naging masaya ulit kahit wala sya. Hindi nga lang lahat dahil si Rex ganun pa rin pero atleast karamihan sa amin nagin ok na.
Pero paano kapag nalaman nilang bumalik na yung sakit ko? Sakit na ni isa sa kanila walang alam na meron ako maliban kay Nat at Eryl.
Flashback
Umaga palang hindi na maganda yung pakiramdam ko. SObrang hapdi ng sikmura ko at hirap akong umihi o magbawas. Nawawalan din akong ganang kumain kaya nanghihina ako. Tatlong araw ko ng nararamdaman to pero ayaw ko lang pansinin. Masyado kasi akong maraming ginagawa pa ra isiping pa tong nararamdam ko. Pero ngayon parang hindi ko na kaya.
"Sis Ok ka lang?" tanong ni Ate Monick.
"Opo te ok lang ako." Sagot ko naman. Pero nakahiga pa rin ako.
"I think we should go back to Dr.Gonzales" sabi ni ate. Nagtaka naman ako.
"Why would we go back to Dr. Gonzales?" tanong ko sa kanya.
"Sis? Haven't you remembered? It's been 4 years simula nung operahan ka. Ang sabi ng Tito ni Eryl you need to go back after 5 years para masiguradong hindi na babalik yung sakit mo. There are chance na bumalik ulit yung virus." Sabi ni ate.
I almost forgot that thing. 5 years ago sinamahan ako ni Eryl sa Tito Claud nya para magpaopera. Para alisin at palitan ng bago yung liver ko. Naging successful yung operation. Howver, as per Dr.Claud I need to go back after 3 years to ensure that cancer cell will not go back. Ang kaso nawala si Eryl a year after nung operations ko kaya nakalimutan ko na rin yun. Beside wala na rin yung connection namin kay Dr. CLaud. Sinubukang tawagan ni Kuya Enrico yung ospital pero wala na daw si Dr. Claud doon at walang nakaka alam kung nasaan sya.
"Ok lang ako Ate Monick. Nothing to worry about, I'm fine. Pagod lang ako." Sagot ko sa kanya.
"No! Sasama ka ngayon sa akin at magpapa check up. Hindi mo pwedeng ipagwalang bahala yan. Baka magulat nalang tayo malala na naman yan." Galit nyang sabi sa akin.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Syempre tinawagan ko muna si Brent pero hindi ko pinaalam kung saan kami pupunta. Ang sabi ko lang sasamahan ko si Ate Monick na magpa denstista.
Habang nasa ospital kinakabahan ako. Alam ko sa sarili kong bumalik yung sakit ko pero hindi ko lang maamin dahil ayoko na ulit bualik sa dating buhay meron ako bago ko nakilala sila Eryl. Ni hindi ko nga alam kung matatawag mo pang buhay yun.
Habang kinikuhaan ako ng ultrasound mahigit yung pagkakakapit ko kay ate Monick. Mahigpit nya rin naman akong hinawakan.
Tahimik akong nagdadasal n asana hindi. Sana na empatcho lang ako o dahil lang sa ulcer kaya masakit yung tiyan ko.
Nang matapos yung examinations sinabi nung doctor na bumalik na lang kami kinabukasan.
Si ate dumiretho sa office nya ako naman sa café.
![](https://img.wattpad.com/cover/88668803-288-k760088.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Любовные романыLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...