CHAPTER 60: MEET MY SON, NATHANIEL RYLE!

1K 19 11
                                    

NATALIE'S POV

"Hon..hindi ba talaga ako pwedeng sumama. Saglit lang naman tayo dun di ba? Hindi naman tayo magtatagal. Isama mo na ako please" pangungulit ko kay Jam.

Kagabi pa kasi kami nag tatalo. Ayaw nya kasi akong payagang nakipaglibing kay Lolo Andrew.

"Hon..Hindi nga pwede. Malayo yung sementeryo dito kaya mapapagod ka lang. Isa pa, pag nakita mong naiyak si Tita Esme, tyak maiiyak ka din at maiistress. Alam mo namang bawal ka sa stress di ba? Kaya dito ka nalang. Tsaka sinabi naman ni Tita Esme na wag kana papuntahin dahil baka mapano ka pa." sagot nya habang inaayos yung polo nya.

"Saglit lang naman yun hon.. Please..." pangungulit ko sa kanya.

"Natty..Wag matigas ang ulo. Pag pwede naman pinagbibigyan kita di ba? wag ngayon lalo na't any time pwede ka nang manganak." seryoso nyang sabi. 

Wala na akong nagawa kundi ang sundin sya. 

Knowing Jam..kapag sinabi nyang "Hindi" kahit pa tumambling ako dito hindi na magbabago yun.

Pagbaba namin naabutan namin si Rex at si Third sa sofa. Usapan na kasi nila na dito sila sa bahay magkikita.

"Kayo palang?" tanong ko kay Thrid.

"Oo..Pero nag text si Brent at Brix. On the way na sila." sagot nya.

"Eh si Ivan? Nasaan na?" tanong ni Jam.

"Andito na..Sorry medyo traffic." sabi ni Ivan na kapapasok lang sa pinto. Kasunod nya si Angel. 

Maya maya dumating na din si Brix at Brent. Kasunod nila si Erick at Donna.

Oo kasama si Donna.

Mukhang nagka ayos na sila ni Brix. Hindi ko lang sigurado kung bilang mag bfgf ulit o bilang magkaibigan na lang.

Hmmm bakit ganun..Bakit mukhang couple couple na sila.

Nang makita ni Angel si Donna, parang nag iba yung mukha nya.

"Oh..Kumpleto na tayo. Tara na. Nakakahiya naman kung mahuhuli tayo" yaya ni Jam.

Sabay sabay silang naglabasan.

"Guys mag iingat kayo ha. Rick si Tita Esme ha.. Paki sabi hindi ako makapunta." paalala ko sa kanila.

"Don't worry Nat, akong bahala kay Tita Esme." sabi ni Ericka.

"Ikaw Mine di ka ba talaga sasama?" tanong ni Ivan kay Angel.

Napansin kong biglang nag make face si Brix nung marinig nya yung "Mine".

"Pang isang milyong beses mo nang tinanong yab Ivan..Hindi nga eh..dito na lang ako sasamahan ko muna si Nat." naiinis na sagot ni Ivan.

"Para tuloy ayaw ko nang sumama." nakabusangot na sabi ni Ivan.

"Sira ka ba? Hindi pwedeng hindi ka magpakita dun. Dapat kumpleto tayo." supalpal sa kanya ni Brix.

Ako lang ba nakakapansin na parang may tensyon sa pagitan nila.

"Tama na nga yan. Tara na!" sabi ni Rex.

"Hon, mag iingat ka dito ha. If anything happens tawagan mo agad ako okay" paalala naman ni Jam.

"Oo hon..Don't worry okay lang ako. Tsaka andito naman si Angel may kasama ako." sabi ko sabay kapit kay Angel.

"Oo nga Jam. Akong bahala kay Nat. Don't worry" -Angel.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon