Rex's Pov
Yung inaasahan kong long engagement mukhang kabaliktaran ang nangyari. Napag desisyunan namin ni Kam na gawin yung kasal in 6 months. Medyo maikli yung preperation pero ayos lang. Alam ko namang tutulungan kami ng mga kaibigan namin. Tsaka isa pa simpleng kasal lang yung gusto nya.
"Sigurado na ba kayo sa date na pinili nyo? Hindi ba kayo masyadong nagmamadali?" tanong ng mama nya.
Andito kami ngayon sa bahay nila para pagusapan yung mga detalye ng kasal. Kung saang simbahan. Kung sino yung magiging member ng entorage. Kung saan yung reception, kung anong magiging motiff tsaka kung sino yung magiging wedding coordinator.
"Yes Ma! Sigurado na kami dun sa date tsaka sa simbahan. Yung details nalang ng reception tsaka entorage yung aayusin namin." sagot ni Kam.
Nakapagtataka lang kasi halos kapareho ng dream wedding ni Eryl yung mga details na prinesent nya. Hindi ko nalang yun pinansin kasi ayoko namang isipin nya na si Eryl pa rin yung laman ng isip ko.
"Oh sya, sige! Kung yan na talaga ang desisyon nyo. Sabihan nyo nalang kami at yung mga kapatid mo kung may maitutulong kami sa inyo." sabi ng Papa nya.
"Yes pa! Thank you!" sagot ni Kam.
Pagkatapos naming kausapin yung parents nya, sa coffe shop kami dumiretcho.
Kagaya ng inaasahan, naabutan namin si Natalie at Ericka. Wala yung mga asawa nila.
"Asan si Jam at Brent?" tanong ko.
"Ayun hinahanap si Ivan. Ilang araw na di pa din nagpapakita yung mokong na yun. Ayaw yatang masermunan sa ginawa nya kay Angel" -Ericka
Oo nga pala. Halos mag iisang linggo na simula nung nag break si Ivan at si Angel. Halos lahat kami nagulat kasi mukha naman silang okey. Pagkatapos ng break up nila, sobrang dalang na kung magparamdam si Ivan. Si Angel naman minsanan nalang kung magpunta sa cafe.
"Kamusta? Anong balita sa weeding preparation nyo?" tanong ni Nat.
"Okie na.. naayos na namin lahat. May weeding coordinator natin kami. Baka one of these days gogown fitting na kami.Tapos food taste.. tsaka sight inspection sa venue." sagot ko.
"Wow!! mukhang ready na lahat ah! Exited na ako for both of you. Teka Kam, nakapili kanaba ng maid of honor mo?" -Ericka.
"Hmmmm...yan nga yung problema ko eh. Wala naman akong kapatid o pinsan na babae. Hindi din naman kayo pwede kasi married na kayo. So ang iniisip ko talaga si Angel. Kaso di ko naman sya mahagilap." -Kam
"Problema nga yan. So kailangan nating ayusin yung problema nung dalawa para maka attend sa weeding nyo." -Ericka
"Dalawa nga lang ba talaga yung may problema?" makahulugan kong tanong.
"Bakit? Sino pa ba?" -Ericka
Hindi pa ako nakakasagot, biglang pumasok yung isa pang may problema. Si Brix.
Nagkatinginan nalang kaming apat.
"Tatlo nga yata sila"-Ericka
"Nat, pabiling kape. Sakit ng ulo ko." reklamo ni Brix sabay salampak sa upuan na nasa harap ko.
"Bakit? Napano ka?" tanong ko.
"Wala! Napasobra yata inom ko kagabi." sagot nya habang hinihimas yung ulo nya.
"Inom? Uminom ka kagabi? Sino kasama mo?" -Ako
"Wala, ako lang. Busy naman kayong lahat eh. Hindi ko alam kung bakit nyo pinag aaksayahan ng oras yang si Ivan. Alam nyo namang eversince kulang lang sa pansin yan eh. Magpapakita din yan." -Brix.
![](https://img.wattpad.com/cover/88668803-288-k760088.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...