CHAPTER 11: WHEN THE BORROWED HEARTS MEETS THE BROKEN LOVE

1.4K 35 0
                                    


KAM'S POV

Sa tatlong beses kong pagbalik dito sa puntod ni Eryl lagi kong naabutan tong lalaking to. Kahit gaano ako kaaga dumating lagi syang nuuna sa akin. Tapos gabing gabi na sya andun pa rin sya. Feeling ko nga hindi na sya umuuwi.

"Manong lagi ba talaga sya dito?" tanong ko sa matanda.

Sya yung matandang nagturo sa akin kung saan yung puntod ni Eryl.

"Oo Hija. Parati talagang napunta si Rex dito." Sagot nung matanda.

"Rex? Alam nyo ang pangalan nya?" tanong ko.

"Ahh Oo.. nakakwentuhan ko na sya minsa." Sagot nung matanda.

"Kaano ano daw po nya yung nakalibing dyan?" –Ako

"Kasintahan. Kasintahan nya yung babaeng nakalibing dyan." Sagot nung matanda.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na may boyfriend pala si Eryl.

Well marami pa naman talaga akong hindi alam tungkol sa kanya.

"Paano hija mauuna na ako sayo. Kailangan ko ng umuwi." Paalam nung matanda.

"Ai sige po Lo. Maraming salamat po sa paghatid sa akin at sa pag lagay ng mga bulaklak." Sabi ko sa kanya.

Kapag kasi hindi ko na kayang hintayin yung pag alis nung Rex. Sa kanya ko iniiwan yung mga bulaklak. Nakikiusap ako na ihatid nalang nya sa puntod kapag wala na si Eryl.

"Walang anuman. Mag iingat ka." sabi nya bago lumakad palayo. Pero bago pa sya makalayo tinawag ko ulit sya.

"Lo! Ano nga palang pangalan nyo?" tanong ko.

Lumingon sya saka ngumiti.

"Andoy! Tawagin mo nalang akong Lolo Andoy." Sagot nya.

"Sige Lolo Andoy. Maraming salamat po." –Ako

Pinagmasdan ko maglakad yung matanda hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Ang sabi nya sa akin dito na sya nakatira at nag tratrabaho bilang supoltorero.

Nang makalayo na si Lolo Andoy, tiningnan ko ulit is Rex habang nakaupo sa damuhan at nakaharap kay Eryl.

Siguro hanggang ngayon hindi nya pa rin matanggap na wala na si Eryl. Sa mga isiping yun bigla akong nalungkot.

Bakit kaya ganun, nung namatay si Eryl nabigyan ako ng pangalawang buhay . Natuwa yung pamilya ko, pero yung pamilya at mga kaibigan ni Eryl nasaktan. Kung nagkatan naman na hindi sya namatay, hindi ako mabibigyan ng pangalawang buhay. Masaya yung pamilya nya, yung pamilya ko naman ang magluluksa.

Pero nagtataka ako kung paanong naging magkaugnay yung buhay namin.

Paanong sa dinami daming taong nangangailangan ng puso, sa akin napunta yung puso nya. Coincidence lang kaya? O talagang itinadhana na maging kunektado yung buhay namin sa isa't-isa.

Pasado alas kwatro na ng hapon pero mukhang wala pa ring syang balak umalis kaya nag pasya akong umalis na at bumalik na lang sa susunod na araw.

Pero hindi pa ako nakakalayo ng biglang magsimulang umambon at sa dilim ng ulap mukhang lalakas pa yung ulan.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Rex pero mukhang wala syang balak umalis. Nakaupo pa rin sya doon at mukhang walang balak tumayo.

Hindi ko alam pero biglang may kumurot sa puso ko. Parang hindi ko sya kayang iwanan sa lugar nay un habang umuulan. Pero sa kabilang banda ayaw ko pa rin naman magpakilala sa kanya. Hindi pa ako hangdang magpakilala sa mga taong kunektado kay Eryl kaya ipinagpatuloy ko ang paglalakad palabas.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon