KAM'S POV
"Kamylle ha! Yung paalala ko sayo. Wag kang magpapagod, Kapag hindi mo na kaya tumigil ka na. At kung magka problema tumawag ka agad. Ipapasundo kita sa Kuya mo." Paulit ulit na sabi ni Mom.
SImula nung mag paalam ako sa kanila ni Papa nung isang araw hindi na ako tinigilan ni Mama nang mga paalala nya.
"Oi Kamylle? Nakikinig ka ba? Mag dala ka nang gamut. Yung damit mo siguraduhin mong may extra kang damit. Yung mga dadalhin mo siguraduhin mong dala mo." –Mom.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako maiinis dahil sa ginagawa ni Mom.
"Ano ka ba Mom. Team Building lang yung pupuntahan ni Kam. Hindi sya doon titira at mas lalong hindi sya maglalayas. Kung makapag paalala ka naman parang isang taong mawawala si Kam." Sabi ni Kuya Alex.
"Masisisi nyo ba ako? Eto ang unang beses na lalakad mag isa yang kapatid nyo kay sinisigurado ko lang na maayos ang lahat." –Mom.
Oo, eto ang unang beses na gagawin ko to.
Ni minsan hindi ako nakasama sa mga camping o fieldtrip nung Elementary o Highschool dahil sa sakit ko.
Eto rin yung dahilan kung bakit medyo nahirapan ako magpaalam sa kanila ni Dad.
Ang totoo nyan kinailangan ko pang mag sinungaling.
Ang alam nila Team Building yung pupuntahan ko at mga kapwa ko nurse yung kasama.
Kapag nalaman kasi nilang mga bagong kailbigan yung kasama ko, malamang sa malamang hindi nila ako papayagan.
Kaibigan?
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung isang araw.
Isinama ako ni Natalie sa lakad nila, tapos yung iba naman itinuturing na akong kaibigan.
Sobrang saya ko.
Sobrang saya nang puso ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero pakiramdam ko doble yung excitement na nararamdaman ko.
"Basta Bunso mag iingat ka ha! Ang have fun!" sabi ni Kuya.
"Opo Ma, Opo Kuya! Mag iingat ako at hindi ko kakalimutan yung mga bilin nyo. Tsaka 3 days lang yun Mom, kaya wag kang mag alala. I can take care of my self." Sabi ko bago ko I zipper yung travel bag ko.
Ngayon na yung araw nang alis namin.
Ang usapan magkikita kita kami sa shop nila Nat.
Bago ako sumakay nang kotse, niyakap ko muna si Mom.
"Thank you Mom dahil pinayagan mo ako." Sabi ko sa kanya.
Ang totoo nyan ayaw talaga ni Dad na sumama, buti nalang at binac-upan ako ni Mom at ni Kuya Gab kaya sa huli napapayag din namin si Papa.
"Wala yun anak. Have fun. Gusto ko rin naman ma experience mo yung mga bagay na nararanasan nang normal na kabataan. Kahit medyo huli atleast maranasan mo pa rin." Sabi ni Mom.
"Sige! Mag drama pa kayo para maiwanan ka ng bus nyo." Sabi ni Kuya Alex.
Sya yung mag hahatid sa akin.
Sa ospital ako nagpahatid para hindi mahalatang hindi mga taga ospital yung kasama ko.
Pagalis ni Kuya, agad akong tumawag nang taxi para naman magpahatid sa shop nila Natalie.
Pagdating ko doon, andun na si Brix at Ivan.
"Hi!" bati ko sa kanila.
"Hello! Buti naman at andito kana. Si Brent at Ericka nalang yung hinihintay." Sabi ni Brent.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...