CHAPTER 40 : THE RACE

1.3K 30 4
                                    

BRIX

Alas tres na ng hapon ng matapos mag sukat ng gown sila Ericka. Kaya mag aalaskwatro na ng hapon ng maka balik kami sa shop.

"Oh bakit ngayon lang kayo?" Salubong samin ni Nat.

"Tanong mo dyan sa dalawang yan. Gumala pa sa mall. Kung ano ano pang pinagbibibili" sagot ko.

"Napadaan kasi kami sa baby store... ang daming cute kaya bumili na kami para sa baby mo."  sagot naman ni Ericka sabay abot ng tatlong paper bag kay Natalie.

"Naku nag abala pa kayo. Next month ko na nga sana gusto mamili para alam na namin yung gender ni Baby."-Nat

"Okay lang yan. Unisex naman yung kinuha naming color kaya pwede sa babae pwede sa lalake."-Brent

"Teka asan si Ivan?" tanong ko.

May usapan kasi kami ni Ivan na may pupuntahan kami mamaya.

"Naku ayun sumama kay Earl."-Jam

"Kay Earl? Galinh dito si Earl?"-Ako

"Oo...kanina. Ayun nung pauwi na si Earl biglang naisipang sumabay."-Nat

"Bago yun ah...pinagpalit na nya ko kay Earl."-Ako

"Nagtataka nga rin ako eh. Ngayon lang yun sumama kay Earl mag isa."-Jam

Napaisip tuloy ako.

Ano na naman kayang nangyari sa siraulong yun bat naisipang sumama kay Earl.

"Buti pa tingnan natin tong mga pinamili ko sa loob Nat." Yaya ni Ericka kay Nat.

"Buti pa nga. Tsaka gusto kong makita yung design ng gown mo."sagot ni Nat.

Magkasunod silang pumasok sa loob.

Kasunod nila si Jam at Brent.

"Ikaw Brix? Dyan ka lang?" -Brent

"Oo..magkakape ako." Sagot ko sabay lapit sa counter.

"Kian..pa order nga ng isang coffe latte." Sabi ko sabay abot mg bayad.

Kinuha ko yung cellphone ko para sana tawagan si Ivan pero mukhang naiwan ko yata sa kotse.

"Kian lapag mo nalang dyan ha. Lalabas lang ako." -Ako

"Sige po Sir Brix."-Kian

Paglabas ko agad kong pinuntahan yung nakaparada kong kotse sa likod tsaka kinuha yung cellphone.

Dinail ko yung number ni Ivan pero di nasagot.

Saan kaya sila nagpunta ni Earl?

Sa pangatlong tawag ko dun sya sumagot.

"Asan kang Gago ka?"bungad ko.

"Andito ako sa EP. Kasama ko si Third. Tagal mo kasing bumalik."sagot nya.

"Sisihin mo yung dalawa. Tagal nila mag sukat. Anong ginagawa mo dyan? Tuloy ba tayo mamaya?" -Ako

"Oo tuloy yun.. naka set na yun. 8pm. Hintayin mo nalang ako dyan. Papahatid ako kay Third."-Ivan.

"Takte!tamad kasi mag dala ng kotse eh"-Ako

Pagkatapos namin mag usap ni Ivan bumalik ako sa shop.

Yung kape ko baka malamig na.

Pag pasok ko may napansin akong babae sa tapat ng counter.

Agad akong lumapit lalo na nung mapansin ko kung ano yung hawak nya.

"Ahh Miss excuse me." Sabi ko.

Pagharap nya pareho kaming nagulat.

"IKAW!!!!"halos magkasabay naming sabi.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon