BRENT'S POV
"Babe Ok la nga ba?" tanong ko kay Ericka. Kanina ko pa kasi sya napapansing matamlay. Bukod dun namumutla sya at kung minsa ay nagsusuka.
"Oo naman Babe ok lang ako. Bakit?" –Ericka
"Wala naman. Para kasing this past few days hindi maganda yung pakiramdam mo." Sabi ko habang hinihimas yung ulo nya.
Andito kami ngayon sa café. Inaantay namin yung planner na hinire namin para sa kasal.
Ako nga pala si Brent Bien Salcedo, 25 years old fiancée ni Ericka. 6 years na rin kaming in relationship at next year ikakasal na kami. Sa totoo lang, Ericka is my first love and probably my last. Simula nung naging kami isinumpa ko sa sarili ko na sya lang yung babaeng mamahalin ko. Aalagaan ko sya kahit mas madalas ako yung alagain. Proprotektahan ko sya kahit madalas mas maton pa sya sa akin. At higit sa lahat hindi ko hahayaan may mangyaring hindi maganda sa kanya.
Bilib ako kay Rex dahil kahit na sabihin pang sobrang nasasaktan sya kinakaya nya pa rin. Kahit hirap na sya, kinakaya nyang lumaban. Kung sa amin nangyari ni Ericka yun dalawa lang ang kalalagyan ko. Mental Hostpital o Sementeryo. Hindi ko kakayanin yun, hindi ako tatagal ng apat na taon ng wala si Ericka. Kaya nga ng malaman kong mag proprose na si Jam kay Nat, nag propose na rin ako kay Rick.
"Ok lang ako. Pagod lang siguro" sagot nya sabay tungo ng ulo sa mesa. Lalo naman akong nag alala ng makita ko syang ganun. Sa sobrang energetic ng girlfriend ko sobrang bihira ko syang makitang matamlay.
"You want to rest? Ihahatid na kita sa inyo. Ako na lang kakausap doon sa planner tapos reschedule na lang natin. Pahinga ka muna Babe." Sabi ko sabay hawak sa kamay.
"Ok lang ako Babe. Gusto ko din sya ma meet. Tsaka kulang na tayo ng oras. Ang dami pa nating dapat asikasuhin.Hindi ka pa namamanhikan."Sabi nya habang nakangiti.
Oo nga. Hindi pa kami namamanhikan sa kanila. Gusto nya kasi kumpleto yung parents nya at mga kapatid nya kapag namanhikan kami. Wala kasi dito sa Pilipinas si Kuya Enrico. Hindi daw makauwi dahil may inaasikaso sa States. Pero feeling ko dahilan lang yun. Ramdam ko kasing hanggang ngayon hindi pa rin sya pabor sa relasyon namin ni Ericka. Pero ngayon hindi na nya kami pinagbabawalan.
"Sure ka Babe ha!Basta kapag hindi maganda yung pakiramdam mo sabihin mo agad." Nag aalala kong sabi. Hindi kasi talaga ako sanay na matamlay sya.
Maya may magkasunod na dumating si Nat at si Jam. Unang pumasok si Nat na nakasimangot. Si Jam naman mukhang galit.Mukhang mainit yung ulo.
"Musta tol?" bati ko kay Jam. Tiningnan nya lang ako. Sa Nat naman dirediretcho sa loob ng kitchen. Sinenyasan ako ni Ericka na susundan nya si Nat. Tumango naman ako. Umupo si Jam sa upuan na inupuan ni Ericka. Mukha pa rin syang galit.
"Anyare to?" tanong ko kay Jam.
"Aalis sya!" galit nyang sagot.
"Ha? Sino?" tanong ko. Hindi ko naman talaga alam kung sino eh.
"Si Nat! Aalis sya. Pinapasunod sya ng Tatay nya sa US. Importante daw." –Jam
"Oh? Importante naman pala eh. Payagan mo na." –Ako
"Hindi naman yun yung problema ko tol! Ang problema ko kasama nya yung Vallejo na yun aalis." –Jam
Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kanya. Si Kenneth yung tinutukoy nyang Vallejo, yung muntik nang mapangasawa ni Nat dahil sa arrange marriage.
"Hanggang ngayon tol nag seselos ka pa dun? Mag asawa na kaya kayo ni Nat." sabi ko. Pinipigilan ko yung sarili kong tumawa. Baka kasi masapak ako bigla.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...