REX'S POV
Alas 7 palang nang umaga andito na kami sa shop nila Natalie.
Kagabi nag text kasi si Nat na pumunta kami ng maaga. Hindi sya nagbigay nang dahilan basta pumunta na lang daw kami.
Pag dating ko andun na si Ivan.
"Tinext ka din?" tanong ko.
"Oo! Ano bang meron?" tanong din nya.
Nagkibit balikat na lang ako.
Makalibas ang 30 mins, dumating din si Third.
"Mukhang lahat tayo pinapunta ah!" sabi ni Ivan.
"Mukha nga!" sagot naman ni Third.
Maya-maya pa may isa pang dumating.
"Kamylle?" –Ako
"Hi! Nagtext kasi si Natalie sa akin. Pinapapunta ako dito." Sabi nya. Agad naman syang pinaupo ni Ivan sa bakanteng silya sa tapat ni Third.
Nagtaka ako.
Ano bang meron? Bakit kailangang kaming ipatawag ni Nat? at bakit pati si Kamylle?
"Oi Ivan wala ka bang alam dito?" tanong ni Third kay Ivan.
"Wala no! Hindi ko din alam. Nagpunta ako dito kahapon kasi inutusan ako ni Nat na bantayan tong shop. Pumunta kasi sila kina Ericka." Kwento ni Ivan.
"Sila? Sinong kasama? Si Jam?' tanong ko.
Ang alam ko kasi hindi pa rin nagkikita si Brent at Ericka mula nung nangyari nung isang araw.
"Hindi. Si Kamylle yung kasama nya. Di ba Kam?" sabi ni Ivan sabay tingin kay Kamylle.
"Ahh Oo.. nagpasama nga si Nat kahapon. Kinamusta nya lang naman si Ericka." Sagot ni Kamylle.
Nat? mukhang close na sila ni Natalie.
"May napag usapan ba sila?" tanong ulit ni Third.
"Wala naman masyado. Kinamusta lang namin si Ericka." Maikling sagot nya.
Nagulat kaming lahat nang biglang bumukas yung pinto.
Iniluwa nun si Brix at Brent.
Yung mukha ni Brent sobrang wasted.
Parang ilangaraw na syang walang tulog. Kung hindi ko sya kilala mapagkakamalan ko syang adik.
"Oh! Pinapunta din kayo ni Nat?" tanong ni Brix.
"Oo eh! Pati si Kam pinapunta din." –Ivan.
'Bakit kaya? Tungkol kaya saan?' –Brix.
"Hindi rin namin alam. Wala naman syang Sinai." –Third.
Napansin kong tahimik lang si Brent na nakaupo.
Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya nung nawala si Eryl.
Hanggat maari ayoko sanang maranasan nya yung pinagdaanan k okay binibigyan ko sya nang lakas ng loob.
Pero kahit anong lakas ng loob ang ibigay namin sa kanya, alam ko hindi sapat yun para mabawasan yung alalahanin nya.
"Ano wala pa ba sila? Uuwi na ako." Sabi ni Brent sabay tayo.
Lalakad na sana sya pamunta sa pinto nang bigla itong bumukas.
Si Natalie at Jam.
"Oh! Andito nap ala kayo. Buti naman." Sabi nya.
Napansin kong nakatulala lang si Brent habang tinitingnan yung nasa likod nila Jam at Nat.
![](https://img.wattpad.com/cover/88668803-288-k760088.jpg)
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
RomantikLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...