EARL'S POV
Paglapat palang ng mga paa ko sa airport parang isa-isa ng nagbalikan yung mga alal alang halos apat na taon kong sinubukang kalimutan. Mga ala alang akala ko ay kaya kong takasan at kalimutan pero hindi pa rin pala.
Pag labas ko ng airport agad kong nakita si Butler Josh na naghihintay sa labas. Agad nya akong nilapitan at binati.
"Welcome back Master Earl" bati sakin ni Butler Josh sabay bow.
"Salamat Josh!"
"Handa na po ang kotse nyo" –Josh
" Mauna ka na at may pupuntahan muna ako." sabi ko sa kanya. Alam ko namang alam nya kung saan ako pupunta kaya hindi na sya nagsalita ulit.
Agad akong sumakay sa kotse ko pero hindi ko muna ito pinaandar. Pinagmasdam mo muna saglit yung loob ng kotse ko. Matagal na rin simula ng huli kong ginamit ang kotse na to. Kapag nakikita ko kasi ito lagi kong naalala si Eryl. Madalas ko kasing gamitin eto kapag sinusundo ko sya sa mga gala nya. Madalas dito kami nagtatalo kapag may mga nahuhuli ko yung mga kalokohan nya. At madalas dito ko sya pinipicturan habang natutulog sya.
Hanggang ngayon para nakikinikita ko pa rin sya dito sa loob ng kotse ko. Mahimbing na natutulog habang nakataas yung paa nya sa dash board.
Bago pa ako tuluyang mapaiyak, pinaandar ko na yung kotse. Nakita kong nakaalis na rin yung kotse nila Butler Josh.
Bago ko sya puntahan, dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng bulaklak. Pinili ko yung kulay pink dahil alam kong favorite nya yun. Bumili din ako ng Hello Kitty na suff toy, makakalimutan ko bay un eh yun lagi yung pinabibili nya.
"Sigurado Sir matutuwa yung girlfriend nyo nito!" sabi nung babaeng nag arrange ng bulalak. Ngumiti lang ako.
Girlfriend? Sa buong buhay ko ni hindi ko naisipan na mag karoon ng girlfriend. Wala akong panahon mag hanap ng girlfriend at mas lalo na ng mapapangasawa.
Pagkagaling ko sa flower shop dumiretcho na agad ako sa kanya. Malayo palang natatanaw ko na yung lugar kung saan namin sya huling nakita. Yung lugar kung saan ko sya iniwan. Yung lugar na napakasait para sa amin balikan.
Habang papalapit, hindi ko maiwasang mapaiyak. Ang sakit pa rin pala talaga. Parang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapiwalang sa isang iglap lang wala na sya. Hindi pa rin ako makapaniwalang patay na sya.
Ako nga pala si Earl Aaron Madrigal. 25 years old. Cerified Gangster. Ako yung tipo ng taong kayang makipagpatayan kahit kanino. Walang inaatrasan, walang sinasanto. Pero isang pangyayari lang pala yung makakapag patumba sa akin. yan ay nung maaksidente at mamatay ang kapatid ko.
Paglapit ko sa puntod nya napansin ko agad yung mga bulaklak na nakalagay sa tabi. Meron ding mga gummy bears sa garapon at bukod doon halatang laging nalilinis ko yung puntod nya dahil wala man lang kahit isang dumi. Sa unang pagkakataon napangiti ako. Alam ko kasi kung sino ang may gawa nun at natutuwa ako dahil kahit lumipas na ang ilang taon hindi nya pa rin pala nakakalimutan yung kapatid ko.
Umupo ako sa tapat ng puntod nya. Inilagay ko yung mga bulaklak sa tabi ng mga bulaklak ni Rex at yung Hello kitty sa tabi ng mga gummy bears.
"Kamusta ka na Princess? Sorry ha ngayon ka lang nadalaw ni Kuya. Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob ulit para puntahan ka. Alam mo Princess miss na miss kana ni Kuya. Miss na miss na kita sobra."
Kung kanina sinusubukan ko pang pigilan yung mga luha ko ngayon ay hindi ko na ito mapigilan. Kusa na silang tumulo galing sa mga mata ko. Siguro hindi na rin kaya ng mga ko na itago yung sakit at pangungulila.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)
Storie d'amoreLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sya yung unang babaeng minah...