CHAPTER 20: A FRIEND or A FOE?

1.3K 31 0
                                    

Ericka's Pov

Haist! Nakakainis! Nakita ko na naman yung Kamylle na yun.

Bakit ba lagi nalang napunta yung babaeng yun dito?

Sino ba talagang binabalik balikan nya.

Wag lang talaga sya magkakamali at kakalbuhin ko sya!

Nakakainis! Nakakasira sya ng mood.

Napilitan tuloy akong umalis dun sa labas dahil ayaw kong makipagplastikan sa kanya.

Nakiring kong nag paalam na si Kamylle nauuwi pero hindi ako lumabas.

Wala naman akong pakialam kung umuwi sya o kung dito sya matulog. Sino ba sya sa akala nya?

"Babe? Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Brent.

Sa inis ko dun sa Kamylle na yun pati si Brent napapansin na tuloy na di ako okay.

"Okay lang Babe! Medyo napagod lang." pagsisinungaling ko.

"Okay, sige pahinga ka muna. Samahan kita dito." Sabay upo sa sofa. Humiga naman ako sa lap nya.

"Babe may itatanong ako sayo. Gusto ko yung isasagot mo sakin yung totoo ha!" –Ako

"Kelan ba ako nagsinungaling sayo. Ikaw lang naman tong madaming sikreto." Sabi nya sakin habang hinihimas yung buhok ko.

Medyo guilty ako dun ah.

"Simula ba nung naging tayo nagkagusto ka pa sa ibang babae?" tanong ko sa kanya.

"Kahit nung hindi pa tayo wala na akong ibang babaeng nagustuhan. Ikaw lang! Ikaw yung una't huling babaeng mamahalin ko." seryoso nyang sabi.

Ngumiti naman ako.

"Pero paano Babe kung kagaya ni Eryl at Rex hindi din tayo para sa isa't isa. Paano kung kagaya ni Eryl, kinasangkapan lang ako ng Diyos para turuan kang mag mahal. Para malaman mo kung gaano kasarap yung may minamahal at nagmamahal." –Ako

Hindi agad sya sumagot.

"Hindi kita masasagot Babe. Basta ang alam ko lang gagawin ko lang lahat para maging para tayo sa isa't isa."-Brent

"Paano Babe kung may makita kang iba." –Ako

"Alam mo Babe hindi ka makakita kung hindi ka maghahanap at wala akong balak maghanap dahil nakita na kita." sagot ni Brent.

"Paano Babe kung kahit hindi ka maghanap kusang dumating? Paano kung bigla na lang may magpakita sayo?" –Ako

"Eh di hindi ako titingin. Simula nung naging tayo ipinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako magmamahal ng iba maliban sayo. Ikaw lang yung babaeng gusto kong makasama sa pagtanda ko, maging nanay ng mga anak ko. Maging lola ng mga apo ako at higit sa lahat, yung babaeng makakasama ko habang buhay at kung pwede lang maging sa kabilang buhay." Sagot nya.

Gusto kong umiyak sa mga sinabi nya. Gusto ko syang pasalamatan dahil sa pagmamahal nya. Pero higit sa lahat dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang tuparin yun mga pangarap nya.

Kung sakaling matupad man yun, matutupad nya yun kasama ang iba at hindi ako.

Siguro eto na yung tamang panahon para aminin ko sa kanya kung anong sitwasyon ko ngayon. Siguro eto na yung oras para malaman nya yung totoo.

Oo! Tama! Aaminin ko na. Para malaman na nya. Para maihanda na rin nya yung sasabihin nya.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa lap nya tsaka humarap sa kanya.

"Babe! May sasabihin ako." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.

"Ano yun?" sagot nya habang nakatingin din sa mga mata ko.

HEARTACHE OF A GANGSTER: BORROWED HEART (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon